top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 29, 2021


ree

Isinailalim sa lockdown ang isang call center office sa Davao City noong Biyernes matapos magpositibo sa COVID-19 ang 46 empleyado nito.


Ayon kay Dr. Michelle Schlosser ng COVID-19 Task Force, dumami ang bagong kaso ng COVID-19 sa naturang call center office sa Ecoland, Davao City.


Saad pa niya, “Davao City monitors active cases through our contact tracers. The company failed to provide and declare an honest and comprehensive close contact line list to the District Health Officer Contact Tracer where the office is located.”


Ang District Health Officer, Sanitation Team, Philippine National Police, at barangay council ang naghain ng lockdown notification sa naturang kumpanya sa loob ng 14 araw.


Nagpaalala rin ang awtoridad sa mga pampribado at pampublikong opisina na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng COVID-19.


Nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga empleyado ng naturang kumpanya at isinailalim na rin sa isolation ang mga ito.


Samantala, noong Biyernes ay naiulat ang 173 karagdagang kaso ng COVID-19 sa Davao City at sa kabuuang bilang ay nakapagtala ng 16,561 total cases sa naturang lugar kung saan 1,381 ang aktibong kaso.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 27, 2021


ree

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Davao City bilang ‘Chocolate Capital’ ng Pilipinas at ang kabuuan ng Davao Region bilang ‘Cacao Capital’ ng bansa ngayong Huwebes.


Sa Republic Act 11547 na nilagdaan ni P-Duterte, nakasaad na kinikilala ng batas ang halaga ng cacao dahil sa pagpapataas nito ng export earnings ng bansa.


Nakasaad din sa naturang batas na “(Cacao) put the name of the country in the map for producing the finest chocolate beans.


“(Cacao) provided livelihood to many small farmers in the countryside.


"In recognition of its status as the country’s biggest producer of cacao and its vital contribution in making the Philippines world renowned and sought after by chocolate makers from the US, Japan, and Europe, the City of Davao is hereby declared as the Chocolate Capital of the Philippines and the entire Region XI (Davao Region) as the Cacao Capital of the Philippines."


Samantala, noong 2019, nakapag-produce ang Davao ng mahigit 2,289.74 metric tons ng cacao, ayon sa agriculture department nu’ng Setyembre.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 14, 2021



ree


Inilabas na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga bagong guidelines na ipatutupad sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ‘with heightened restrictions’ sa NCR Plus Bubble at iba pang lugar simula May 15 hanggang 31, ayon sa inianunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque kagabi.


Kabilang sa pinahihintulutan ay ang mga sumusunod:


• 20% capacity sa mga indoor dine-in services at 50% capacity sa outdoor o al fresco dining

• 30% capacity sa mga outdoor tourist attraction

• 30% capacity sa mga personal care services, katulad ng salon, parlor at beauty clinic

• 10% capacity sa mga libing at religious gathering

• Pinapayagan na rin ang outdoor sports, maliban sa may physical contact na kompetisyon


Mananatili pa rin namang bawal ang mga sumusunod:


• entertainment venues katulad ng bars, concert halls, theaters

• recreational venues, katulad ng internet cafes, billiard halls, arcades

• amusement parks, fairs, playgrounds, kiddie rides

• indoor sports courts

• indoor tourist attractions

• venues ng meeting, conference, exhibitions


Higit sa lahat, bawal magtanggal ng face mask at face shield kapag nasa pampublikong lugar. Bawal ding lumabas ang mga menor-de-edad at 65-anyos pataas, lalo na kung hindi authorized person outside residency (APOR).


Patuloy pa ring inoobserbahan ang social distancing sa kahit saang lugar at ang limited capacity sa mga pampublikong transportasyon.


Maliban sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna ay isasailalim din sa GCQ ang Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Abra, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Puerto Princesa, Iligan City, Davao City, at Lanao del Sur hanggang sa katapusan ng Mayo.


Mananatili naman sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Santiago City, Quirino, Ifugao, at Zamboanga City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page