top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 28, 2021


ree

Matagumpay na naisagawa ang kauna-unang major operation ng Police Regional Office 11 Ambulatory Surgical Clinic sa isang 46-anyos na kasapi ng PNP na mayroong breast cancer.


Ang kauna-unahang major operation ay isinagawa sa Police Regional Office XI Ambulatory Surgical Clinic ng mga espesyalista na mula naman sa Camp Sgt. Quintin M. Merecido Hospital sa Davao City.


Nitong Nobyembre 11 lamang nang matanggap ng PRO 11 - ASC ang license to operate at accreditation mula sa Department of Health.


Lubos ang pasasalamat ng pasyente na nakatalaga sa Surigao at may ranggo na Police Senior Master Sergeant dahil natugunan na ang kanyang problema matapos maantala dahil sa pandemya at pinansyal na pangangailangan.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 4, 2021


ree

Arestado ang isang lalaking construction worker matapos magkunwaring Philippine Army personnel sa isang checkpoint ng pulisya sa Davao City, nitong Miyerkules.


Ang suspek ay nakasuot ng camouflage uniform ng sundalo habang nakasakay sa kanyang motorsiklo.


Hinarang ito ng mga awtoridad para inspeksiyunin ngunit wala itong naipakitang driver’s license.


Sa halip, nagbigay ito ng pekeng AFP ID ngunit napansin ng mga pulis na walang logo ng AFP ang ibinigay nitong ID.


Nakuhanan ang suspek ng isang pekeng .45 pistol.


Napag-alaman din na nakaw pala ang gamit nitong motorsiklo.


Patong-patong na kaso ang nakatakdang harapin ng suspek.

 
 

ni Lolet Abania | October 16, 2021


ree

Nakarekober na umano si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio matapos na makaranas ng mild symptoms ng COVID-19.


Sa pahayag ni Dr. Michelle Schlosser, spokesperson ng Davao City COVID-19 Task Force, nagkaroon na ng pagbabago sa kondisyon ni Mayor Sara matapos na sumailalim ito sa isolation at nakasama ang kanyang pamilya.


Ayon kay Schlosser, nabatid na rin ang lahat ng mga naging close contacts ng alkalde at isinailalim na ang mga ito sa swab test. Aniya, wala namang close contact ni Sara na nagpositibo sa COVID-19.


Noong nakaraang linggo, sinabi ni Sara na nahawaan siya ng virus kahit na fully vaccinated na gamit ang gawa ng China na Sinopharm vaccine.


Matatandaang nakansela ang medical leave ni Sara na magtutungo sana sa Singapore matapos na magpositibo sa virus ang kasamahan nito. Si Mayor Sara ang ikatlo sa magkakapatid na tinamaan ng COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page