top of page
Search

ni Lolet Abania | March 27, 2022


ree

Isang low pressure area (LPA) ang namumuo kasabay ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ), kung saan magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pagbuhos ng ulan at thunderstorms sa buong Palawan, Eastern at Central Visayas, at Mindanao, batay sa ulat ng PAGASA ngayong Linggo.


Sa kanilang 4PM weather bulletin, ayon sa PAGASA ang LPA ay namataan sa layong 60 km east-northeast ng Davao City.


Gayunman, sinabi ng PAGASA, ang tsansa ng LPA na maging isang tropical depression ay napakababa. Makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rain showers at thunderstorms sa buong Metro Manila at sa natitirang bahagi ng bansa.


Batay din sa weather bureau, posibleng magkaroon ng mga flash floods o landslides sa severe thunderstorms. Mahina hanggang sa katamtamang bugso ng hangin mula timog-silangan patungong hilagang-silangan ang mararanasan sa buong northern Luzon, na magdudulot ng bahagya hanggang sa moderate coastal waters.


Ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang east-to-northeast wind flow, na magdudulot ng mahina hanggang sa moderate coastal waters. Ayon pa sa PAGASA, ang maximum temperature ay nasa 33.4 °C nitong alas-3:00 ng hapon at ang minimum temperature ay nasa 25.2 °C ng alas-5:15 ng hapon.


 
 

ni Lolet Abania | March 27, 2022


ree

Nakasabat ang anti-drug operatives ng tinatayang P900,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang arestado ang isang suspek sa isang buy-bust operation sa Davao City nitong Sabado, ayon sa Philippine National Police (PNP).


Sa isang Facebook post ngayong Linggo, kinilala ng PNP ang suspek na si Arnulfo Ferraren Sefuentes alyas ‘Tata’, 47-anyos, residente ng Fatima Village, Bajada, Barangay 19-B, Davao City na inaresto sa isang anti-drug operation.


Si Sefuentes ay nasa 4th top drug personality sa Davao region (Region 11) at kinokonsiderang isang high-value target (HVT) ng pulisya. Batay sa police report, bandang alas-12:08 ng hatinggabi nagkasa ng buy-bust operation ang Regional Special Operations Group 11, kasama ang mga law enforcement agencies sa R. Castillo St., Barangay Lapu-Lapu, Agdao, Davao City.


Nakumpiska kay Sefuentes ang mga sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang sa 57 gramo na may street value na P912,000.


“Our focus is to further intensify the campaign against illegal drugs and to improve the quality of operations where policemen should focus more on High-Value Targets and higher grams of drugs confiscated per operations,” pahayag ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos.


Nasa kustodiya na ng Sta. Ana police si Sefuentes habang inihahanda na rin ang kaukulang kaso sa korte laban sa kanya.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 11, 2022


ree

Hindi rin magsasagawa ng motorcade si VP bet Sara Duterte-Carpio sa Davao City kung saan siya ang namumuno bilang alkalde.


Ayon kay Duterte-Carpio, nais niyang damayan ang mga apektado ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng petrolyo kung kaya’t nagdesisyon siyang magpatupad ng motorcade ban sa kanyang nasasakupan.


“I am the mayor of Davao City. I am tasked to protect the interest of the Davaoeños and I believe with the pahirap na cause ng pandemic,” ani Duterte-Carpio sa isang ambush interview.


“Pangalawa the increasing prices at ‘yong effect nito sa pahirap na naman ulit sa presyo ng ating basic commodities ay dapat po nakikiisa tayo sa mga kababayan natin who will most likely na ‘yung mga pinaka nasa baba sila ‘yong likely na pinaka maging vulnerable at mag suffer ng effects nito,” dagdag niya.


Nang tanungin kung hindi rin siya magsasagawa ng motorcade sa Davao City para mangampanya sa pagka-bise presidente: “Of course hindi kasi di ba I already said that we need to empathize with everyone who will most likely suffer because of the increasing prices and the effect of that war in Ukraine at sa Russia.”


Sinabi rin ni Duterte-Carpio na ang pagdalo niya sa mga motorcade sa labas ng Davao City ay nakadepende sa kanyang schedule.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page