top of page
Search

by Info @News | October 11, 2025



Davao 7.3 earthquake - Rhoderrick Hernandez

Photo: Rhoderrick Hernandez / Circulated



Pumalo na sa pito ang nasawi matapos ang magkasunod na magnitude 7.4 at 6.8 na lindol sa Manay, Davao Oriental kahapon, Oktubre 10, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


Samantala, 11 naman ang naiulat na sugatan dahil sa lindol.


Patuloy sa beripikasyon ang ahensya sa mga datos.

 
 

ni Mylene Alfonso | April 24, 2023



ree

Walong Public Assistance Center ang binuksan nina Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez at Speaker Martin Romualdez sa iba’t ibang lugar sa Davao region.


Unang pinasinayaan ang mga Alagang Tingog Center (ATC) sa Samal Island, Panabo City, at bayan ng Carmen sa Davao del Norte.


Makatutulong umano ang mga ATC upang hindi maging balakid ang lokasyon sa pagkuha ng mga residente ng tulong mula sa gobyerno.


Binuksan din ang mga ATC sa Tagum City, at mga bayan ng Asuncion at San Isidro at sa Dujali at Sto. Tomas.


Dumalo sa pagbubukas ng mga ATC si House Deputy Sec. General Ponyong Gabonada na kumatawan kay Romualdez at mga opisyal mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan.


Sinundan ito ng pamamahagi ng financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Tig-P2,000 ang natanggap ng 1,000 residente sa Samal Island, 800 naman sa Panabo City, at 500 sa Carmen.


Kaparehong tulong din ang natanggap ng 500 residente sa San Isidro, 500 benepisyaryo mula sa transport sector ng Asuncion, 1,700 magsasaka sa Tagum City, 500 sa Dujali, at 500 residente ng Sto. Tomas.


 
 

ni Zel Fernandez | May 10, 2022


ree

Kasunod ng mga batikos matapos sulatan ang armchair na ginamit sa presintong pinagbotohan kahapon, nagpaliwanag si vice-presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte.


Nilinaw ng kampo ni Mayor Sara Duterte, ang isinulat nito sa arm chair ng eskuwelahan kung saan siya bumoto ay kahilingan mismo ng pamunuan ng Daniel R. Aguinaldo National High School (DRANHS) sa Davao City.


Paglalahad ng Hugpong ng Pagbabago Regional Party kung saan tagapangulo si Mayor Inday, ang mga katagang “Mahalin natin ang Pilipinas” ang isinulat ni Mayor Inday kalakip ang lagda at petsa ng pagboto nito kahapon ng Mayo 9, 2022. Bilang kapalit ay nagbigay ng limang upuan bilang donasyon si Inday Sara.


Samantala, ang naturang upuan ay ilalagak naman umano sa museo ng paaralan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page