top of page
Search

ni Lolet Abania | March 14, 2021




May mga establisimyento na pinayagang bukas sa kabila ng pagsisimula ng uniform curfew sa Metro Manila.


Sa nakatakdang uniform curfew bukas, March 15 ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga, magpapatuloy ang operasyon at essential activities ng mga sumusunod:

• Market delivery

• Market bagsakan

• Food take-out at delivery

• Mga botika

• Mga ospital

• Convenience stores

• Delivery ng goods

• Business process outsourcing (BPO) firms at katulad na mga negosyo.


Epektibo ang curfew hours sa loob ng dalawang linggo matapos ang biglang pagtaas ng COVID-19 cases na naiulat sa National Capital Region (NCR).

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 14, 2021




Dalawampung residente ang hinuli sa Pateros, Manila matapos lumabag sa curfew hours na sinimulang ipatupad sa lungsod kagabi, pasado alas-10 hanggang alas-5 nang madaling-araw.


Ayon sa ulat, kabilang sa mga nahuli ang isang tricycle driver na bukod sa paglabag sa curfew ay napag-alamang expired na rin ang lisensiya nito.


Tinatayang P2,000 ang multa ng mga nahuli at 12 na oras silang mananatili sa covered court bilang parusa. Ngayong darating na ika-15 ng Marso ay magiging epektibo na ang curfew hours sa buong Metro Manila.


Sinimulan ang pagpapatupad sa curfew hours, liquor banned at localized enhanced community quarantine sa NCR upang masugpo ang lumalaganap na COVID-19 pandemic.


 
 
  • BULGAR
  • Mar 11, 2021

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 11, 2021




Napagkasunduan ng mga Metro Manila mayors ang pagpapatupad ng curfew sa buong rehiyon dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.


Ayon kay Abalos, magsisimula ang 2-week curfew hours na 10 PM hanggang 5 AM sa Lunes, March 15, 2021. Sa naganap na pagpupulong ng mga Metro Manila mayors ngayong Huwebes ay dumalo rin ang ilang opisyal mula sa Department of Health at mga miyembro ng OCTA Research upang tumulong sa mga health protocols revisions sa rehiyon, ayon kay Abalos.


Samantala, mayroon nang 247,935 active cases sa capital region, base sa tala ng DOH.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page