top of page
Search

Pni Angela Fernando - Trainee @News | November 20, 2023




Patay ang apat na personnel ng Philippine Army dahil sa pamamaril na nangyari sa kanila mismong kampo sa Brgy. Viewpoint, Banaue, Ifugao.


Pinangalanan ang mga nasawi na sina Staff Sergeant Andrew Dulnuan, Civilian Active Auxiliary (CAA) Alfone Maguiwe, CAA Sanny Bumad-ang, at mismong suspek sa krimen na si CAA Jebilie Banghuyao.


Ayon sa ulat ng hepe ng Banaue Police Station na si Police Major Richard Ananayo, nag-iinuman ang mga biktima at ang suspek nang may maungkat na isyu ng CAA at nauwi sa pagpapaputok ni Banghuyao sa mga kasamahan.


Agad din namang binaril ng suspek ang sarili matapos kitilin ang buhay ng mga kasama.


Kasalukuyang wala pang pahayag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) tungkol sa nangyaring pamamaril.




 
 

FiFini Angela Fernando - Trainee @News | November 16, 2023




Isang babae ang pinagtataga hanggang mawalan ng buhay dahil sa tsismis ngayong araw sa Labo, Camarines Norte.


Kinilala ang babae na si Alma Espalmado habang at ang suspek ay pinangalanang alyas 'Naldo'.


Base sa imbestigasyon, ang away ay nag-ugat sa pagpapakalat umano ng tsismis ng biktima sa internet laban sa suspek.


Agad na nahuli ng mga awtoridad ang suspek matapos nitong tumakas.


Hindi naman nagbigay ng pahayag ang lalaki sa ginawa niyang krimen.


 
 

ni Eli San Miguel @News | October 12, 2023





Patay ang isang lalaki matapos siyang palakulin sa ulo habang nagdarasal sa simbahan sa Apalit, Pampanga noong Linggo ng gabi.


Kinilala ang biktima na si Franklin Quiamba na residente ng Larlin Village, Barangay Sampaloc, Apalit, Pampanga at ang suspek na si Fernando Llangco Gapuz, 56, residente ng Daliba Street, Karuhatan, Valenzuela City.


Ayon sa unang pagsisiyasat ng Apalit police, bago ang pangyayari ay nagsimba pa ang biktima. Ngunit hindi alam ng karamihan na may dala-dalang palakol ang isang 56-anyos na suspek, at bigla na lamang itong lumapit sa biktima para palakulin ito sa ulo.


"Itong isang miyembro nila allegedly during the investigation, ay may bumubulong daw sa kanya, na patayin niya yung isang kamiyembro... Ang problema, itong suspek natin, nakapasok siya sa church na may dala-dalang palakol na nakapasok doon, nakasilid doon sa bag, sa badminton bag, kaya hindi gaanong nahalata," pahayag ni PLt. Col Michael Riego.


Hindi na nakatakas ang suspek nang harangin siya ng mga kasamahan sa simbahan.


Dinala pa ang biktima sa Pampanga Premier Hospital, ngunit idineklara itong dead on arrival.


Sa ngayon, ang suspek ay nakakulong na sa istasyon ng pulisya ng Apalit at nahaharap na sa mga kaso ng pagpatay at paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa dala-dalang patalim.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page