top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 29, 2024




Naaresto ang isang 50-anyos na lalaki sa Tondo, Maynila matapos na ireklamong nanghalay ng isang menor-de-edad.


Nahuli ang hindi pinangalanang suspek matapos puntahan ng Baseco Police sa isang bahay sa Brgy. 118 kasama ang sinasabing biktima nitong Huwebes.


Ayon sa Baseco Police station commander Police Lieutenant Colonel na si Emmanuel Gomez, ilang beses hinalay ang bata simula 7:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon.

Dagdag ni Gomez, pinapalo sa ulo ng cellphone ang biktima kapag siya ay tumututol sa kagustuhan ng suspek.


Saad ng Baseco Police, ibinugaw sa suspek ang biktima sa halagang P200.


Agad namang nakapagsumbong ang biktima kaya sila nakalapit sa mga pulis.


Lumabas naman sa report ng medico-legal na positibong hinalay ang bata.


Mariing itinanggi ng suspek ang kahalayang ginawa at ang mga paratang.


Ayon sa suspek, ka-live-in niya ang biktima ng halos dalawang buwan na.

Kakaharap naman sa kasong statutory rape ang suspek.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 26, 2024




Patay ang isang lalaki matapos mabaril sa isang rest house sa Real, Quezon.


Kinilala ang 46-anyos na biktima na si April Ebardoname, na binaril ng malapitan habang siya'y nakaupo sa rest house ng kanyang kaibigan sa Brgy. Poblacion Uno.


Mabilis na nakatakas ang mga salarin gamit ang isang motorsiklo.


Ayon sa hepe ng Real Police Station na si Police Captain Leonardo Tolentino, black daw ang kulay ng suot ng suspek pati ang driver ng motor na naka-cap.


Iligal na droga ang isa sa anggulong sinusuri ng mga awtoridad sa nangyaring krimen.


Saad ni Tolentino, "Ito ay involved, si ano... sa kalakalan ng droga dito sa Reina area."

Sinabi ni Tolentino na may person of interest na sila sa kaso.


Tinitignan ng mga pulisya ang posibilidad na sangkot ang kaibigang nakasaksi sa krimen.


Kanilang iniimbestigahan si Allan Coronado, kaibigan ng biktima, dahil naabutan nila itong papaalis na pagdating ng mga pulis.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 26, 2024




Nasawi ang isang 8-anyos na batang lalaki matapos bugbugin ng kanyang ama sa General Santos City.


Nangyari ang pambubugbog sa biktimang si Yurie Canlaon sa Brgy. Fatima.


Kinilala naman ang 34-anyos na suspek sa krimen na si Roy Canlaon Jr., na binubugbog ang kanyang mga anak sa tuwing siya'y nakakainom.


Nasa Maynila ang ina ng mga bata para sana ayusin ang kanyang mga dokumento sa pangingibang-bansa na umuwi para asikasuhin ang mga labi ng kanyang anak.


Pagbabahagi ng kapatid ni Yurie, unang binugbog ang bunso nilang kapatid na babae at sumunod ang biktima na napuruhan.


Saad ng Station Commander ng Police Station 7 sa General Santos City Police na si Police Major Wesley Matillano, hindi raw alam ng ama ng bata ang kanyang ginagawa kapag lasing at ibinagsak daw ang bata ayon sa kapatid ng biktima.


Nadala sa ospital ang biktimang nagtamo ng mga pasa at bali ngunit binawian din ng buhay.


Nakulong naman ang ama ng biktima na humihingi ng tawad sa kanyang nagawa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page