top of page
Search

ni Lolet Abania | April 22, 2022

ree

Nakatakda ang pagbabakuna ng second COVID-19 booster para sa immunocompromised na mga indibidwal sa Abril 25 sa buong bansa, ayon sa Department of Health (DOH).


Sa ginanap na media forum ngayong Biyernes, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mga immunocompromised individuals lamang na edad 18 pataas ang papayagan na makatanggap lang ng kanilang second booster shot nang maaga sa tatlong buwan matapos ang kanilang first booster.


“Magtuturok na po tayo ng second booster shots para sa mga 18 years old and above na immunocompromised. Nationwide po ang ating rollout na nakadepende sa kahandaan ng kani-kanilang lokal na pamahalaan,” saad ni Vergeire.


Ang mga brands na gagamitin sa second booster shot ay AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinopharm, at Sinovac.


Una nang sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na inaprubahan na niya ang pagbabakuna ng second COVID-19 booster para sa mga immunocompromised na mga indibidwal.


Ayon kay Duque, kabilang sa mga nasabing pasyente ay 'yung may cancer, recipients ng organ transplants, at HIV/AIDS patients, at iba pa.


Giit naman ni Duque na ang mga frontline healthcare workers at senior citizens ay hindi pa covered ng inaasahang rollout ng second booster shots sa susunod na linggo.


 
 

ni Lolet Abania | April 20, 2022


ree

Nasa tinatayang 10 Pilipino ang isinailalim sa quarantine matapos na magpositibo sa test sa COVID-19 sa Shanghai, China, na kasalukuyang naka-lockdown dahil sa virus surge, ayon sa envoy ng Pilipinas sa lungsod ngayong Miyerkules.


Sinabi ni Philippine Consul General in Shanghai Josel Ignacio na nakikipag-ugnayan na sila habang may direktang komunikasyon sa mga infected na Pinoy para makapagbigay sa kanila ng assistance.


“We regret that right now we have 10 of our nationals [who] have been taken to quarantine, who have tested positive. They have reached out to us and we are taking care after and looking after them one on one,” ani Ignacio sa isang interview.


“We are in direct communication, they tell us what they need. We try to elevate that to the authorities in different ways depending upon their needs,” dagdag niya.


Ayon kay Ignacio, hiniling din nila na magkaroon ng mga food vouchers na magagamit para makabili ng mga goods online at maaaring mai-deliver diretso ang mga ito sa mga COVID-positive Pinoy households sa gitna ng limitadong galaw ng mga indibidwal sa lugar.


“Having into the lockdown we saw some episodes of some panic-buying and supply lines became so tight. The recommendation we felt to address the common challenges would be in terms of providing some food security for our nationals,” pahayag ni Ignacio.


“So that’s why the request for assistance is in the form of vouchers [and] food cards that are good as cash that Filipinos can use to purchase goods online. These goods can be delivered straight to their households because there is a limitation in mobility,” ani pa niya.


Samantala, sinuspinde rin ng Commission on Elections (Comelec) ang isasagawa sanang absentee voting sa Shanghai, China.


“We have about 1,600 registrants but because of the situation we were compelled to ask Comelec for direction. And the Comelec issued a resolution for temporarily suspending it because there is no really way,” sabi ni Ignacio.


 
 

ni Zel Fernandez | April 20, 2022


ree

Posible umanong umabot sa 40 bilyong piso ang halagang masasayang sa oras na mag-expire ang mga bakuna sa bansa.


Kasabay ng pangambang malapit nang mag-expire ang ilan sa mga bakuna, muling nanawagan ang pamahalaan sa mga mamamayan na magpa-booster shot na bilang pag-iingat mula sa babala ng Department of Health na posible umanong tumaas na naman ang kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng Mayo.


Ani Sec. Joey Concepcion, presidential advisor for entrepreneurship, sa kasalukuyan ay mayroong 80 milyong bakuna sa bansa at tinatayang 27 milyon sa mga ito ang mae-expire na pagsapit nang Hunyo at Hulyo ngayong taon.


Giit ni Sec. Concepcion, bagaman ang donated vaccines ng Covax sa ‘Pinas na aabot sa halos 30 milyong piso at maging ang kanilang donasyong bakuna na tinatayang aabot sa 2.5 bilyong piso ay hindi gastos ng gobyerno, posible umanong umabot sa 40 bilyong piso ang masasayang kung hindi magagamit ang mga ito, partikular ang mga booster shots na kakaunti pa rin ang nagpapaturok sa kasalukuyan.


Dagdag pa rito, sakali umanong biglang makapagpasya ang marami na magpabakuna, maaaring maging mahirap na ang pagkuha nito kapag nawalan ng supply dahil nag-expire na ang mga bakunang naka-stock.


Gayundin, dahil aniya sa kasalukuyang sitwasyon sa bansa na halos kakaunti lamang ang nais magpabakuna, posible umanong mag-alinlangan ang susunod na administrasyon na bumili ng mga bakuna sa panghihinayang na baka maulit lamang ang senaryo ng pagka-expire ng mga ito.


Bilang paalala, muli umanong pinapayuhan ang mga hindi pa nakapagpapabakuna na magpaturok na hangga’t mayroon pang supplies at hindi pa expired ang mga bakuna na makatutulong sa paglaban sa nakamamatay na sakit.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page