top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 28, 2023



ree

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,218 na bagong kaso ng COVID-19 mula Nobyembre 21 hanggang 27.


Para sa linggong ito, 174 na kaso ang daily average na mas mataas ng isang porsyento kaysa noong linggo ng Nobyembre 14 hanggang 20.


Sa mga bagong kaso, 11 ang naging malubha at kritikal. Naitala rin ang 11 pagkamatay na nangyari mula Nobyembre 14 hanggang 27.


Sa kabuuan, may 216 na malubha at kritikal na kaso ng COVID na na-admit sa ospital hanggang Linggo.


Patuloy namang ipinaaalala ng DOH sa publiko na huwag maging kampante at ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask, pananatili sa well-ventilated areas, at maagap na isolation kapag nakararamdam ng mga sintomas.

 
 
  • BULGAR
  • Nov 18, 2023

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 18, 2023



ree

Iniulat ng Department of Health (DOH) ang 194 na bagong kaso ng Covid-19, na nagdadagdag sa kabuuang bilang na 4,112,658 kaso sa buong bansa.


Ayon sa ahensya, kasalukuyang nasa 3,093 ang aktibong kaso ng Covid-19 habang 4,052,819 na indibidwal ang matagumpay na gumaling, na nagpapakita ng kahanga-hangang recovery rate na 98.3 porsiyento.


Patuloy namang pinapaalalahanan ang publiko na huwag maging kampante sa harap ng banta ng Covid-19.


Ipinagtibay ng kagawaran ng kalusugan ang patuloy na kahalagahan ng pagsunod sa basic health standards kasama na ang pagsusuot ng maayos na mask at pananatili sa mga "well-ventilated areas."


Bilang karagdagang proteksyon, paalala ng DOH sa publiko na kunin ang kanilang Covid-19 vaccine at booster sa lalong madaling panahon.

 
 

ni BRT @News | August 7, 2023



ree

Kasunod ng pagbawi ng gobyerno sa state of public emergency dahil sa COVID-19, sinabi kahapon ng Department of Health na mas nakamamatay pa ang ibang sakit kaysa sa respiratory illness na nagdulot ng pandemya.


Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, kung ikukumpara ang COVID-19 sa ibang sakit, mas mababa na ang bilang ng tinatamaan nito.


Mas mababa na rin umano ang bilang ng mga naoospital at namamatay dahil sa COVID.

Karaniwan aniyang nasa 1 hanggang 2 pasyente lang ang nadadala sa ospital, at karaniwang may edad at comorbidity.


"'Yung COVID-19, para na siyang isa sa mga sakit natin. At mas nakamamatay pa ang dengue saka [leptospirosis tsaka tuberculosis]," ani Herbosa.


Matatandaang sinabi ng DOH kamakailan na patuloy na tumataas ang mga kaso ng dengue sa bansa habang inaasahan namang dadami ang mga may leptospirosis dahil sa pagbaha.


Sa kabila nito, patuloy ang surveillance ng DOH sa COVID dahil maaari pa rin umanong magka-outbreak.


Pinayuhan naman ni Herbosa ang publiko na gusto magpaturok ng bivalent vaccine na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page