top of page
Search
  • BULGAR
  • Dec 12, 2023

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 12, 2023




Tumaas ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 mula Disyembre 5 hanggang 11, kung saan ang araw-araw na average na kaso ay umaabot sa 260 na 36% mas mataas kumpara sa nagdaang linggo.


Inilabas nitong Martes ng Department of Health (DOH) ang pinakabagong datos na may kabuuang 1, 821 na mga bagong kaso, na malaking pagtaas mula sa 1, 340 kaso nu'ng Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4.


Lumobo rin sa 260 mula sa 191 nu'ng nagdaang linggo ang araw-araw na average na kaso.


Naitala naman ang 13 na namatay na may kaugnayan sa COVID-19 na sakop nitong nagdaang Nobyembre 10 at Disyembre ngayong taon.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | December 11, 2023




Nagpositibo sa COVID-19 sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at ang kanilang pamilya.


Sa Instagram, ibinahagi ng Kapuso Drama King ang isang clip kung saan siya tumutugtog ng gitara habang inilalarawan ang kalagayan ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng isang kantang may pamagat na "Gamutin na natin to."


“Oh ito na nga, tinamaan din ako,” sinimulan ni Dennis ang pagkanta.


“Akala ko’y hindi na tatablan nito. Ba’t nag-positive ako? Gamutin na natin ito,” pagpapatuloy niya, bilang pagpapaalam sa fans na positibo siya sa COVID-19.


Tinapos niya ang kanta sa pahayag na ang kanyang asawang si Jennylyn Mercado at anak na siDylan ay pareho ring nagpositibo sa COVID-19.


“May bago na ngang uso. Pati na ang misis ko, may COVID, kaming tatlo,” pagtatapos niya sa kanta.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 11, 2023




Bumalik na sa trabaho nitong Lunes si Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr.  matapos na gumaling sa COVID-19.


Bibisita ang Presidente sa Iloilo mamayang hapon upang ipamahagi ang mga kagamitang pang-agrikultura, gayundin upang magbigay ng sertipiko ng pagmamay-ari ng lupa sa mga benepisyaryo. 


Dadalo rin si Marcos sa  grand opening ceremony ng 18th National Scout Jamboree sa City of Passi. 


Kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO) na natapos na ang COVID-19 isolation ng Pangulo nu'ng Linggo.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page