top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 24, 2020


ree

Tinalo ng dating ‘world’s heaviest man' na si Juan Pedro Franco ang Coronavirus sa tulong umano ng tamang pagda-diet at ehersisyo.


Ang 36-year-old Mexican na si Franco ay certified Guinness World Records holder noong 2017 dahil sa dating timbang nitong 595 kilos (1,310 pounds). Ngayon ay 208 kilos na lamang ang kanyang timbang.


Dahil sa history ng pagkakaroon ng diabetes, high blood pressure at chronic obstructive pulmonary disease, saad ni Franco, "It's a very aggressive disease. I had a headache, body ache, breathing difficulty, a fever. I was a very high-risk person.”


Pahayag naman ng isa sa mga doktor na gumamot kay Franco na si Jose Antonio Castaneda, "Patients who are diabetic, have hypertension and heart disease are more susceptible to serious complications.


"Their chances of pulling through are very slim. This patient, who was once too heavy to get out of bed, was an exception."

 
 

ni Lolet Abania | September 7, 2020


ree


Umabot na sa kabuuang 117 COVID-19 laboratories ang naipatayo sa bansa bilang tugon ng gobyerno sa paglaban sa nakamamatay na sakit na Coronavirus, ito ang ibinalita ni Chief Implementer Secretary Carlito Galvez sa ginanap na press briefing kanina.


"As of September 5, mayroon na po tayong 117 accredited COVID-19 testing laboratories sa buong bansa kumpara noong Pebrero na iisang accredited laboratory lang po ang mayroon tayo," sabi ni Galvez.


Gayundin, dagdag niya, umabot sa mahigit dalawang milyong indibidwal na ang na-test sa COVID-19 na naisagawa nitong nakaraang buwan.


"Sa kabuuan po, tayo ay nakapagproseso na po ng 2,772,075 test samples mula sa 2,601,281 na indibidwal. Nahigitan na po natin ang ating target na dalawang milyong tests noong nakaraang Agosto," ayon kay Galvez.


Sinabi rin niyang asahan na patuloy ang pamahalaan sa pagpapaigting ng paglaban sa COVID-19, kung saan isang eksperto mula sa University of the Philippines (UP) ang nagsabing ang Coronavirus transmission sa bansa ay bahagyang bumaba.


Ito, ani Galvez, ay matatawag na "initial success" sa pagsisikap ng gobyerno kontra sa pandemya.


"Nagbubunga na 'yung pinaghirapan natin. For the past four weeks na nagkaroon tayo ng MECQ sa NCR, talagang nagdoble-kayod po lahat ng IATF na bumaba po kami sa lahat ng LGUs," sabi ni Galvez.

 
 

ni Lolet Abania | August 29, 2020


ree


Nagsimulang magpamahagi ng tradisyonal na Chinese herbal medicine, Lianhua Qingwen para sa mild COVID-19 patients sa mga nasasakupan, ang local government unit ng Cainta.


Ayon kay Mayor Keith Nieto, ibinigay ang naturang gamot matapos ang naging payo ng mga doktor o “strict doctor’s advice” sa kanila.


“Mayroong mga doktor na assigned for them to take it. They are mature enough to check on it and make sure it is something that has efficacy and that is not detrimental to their (patients’) health,” sabi ni Nieto.


Gayunman, sabi ni Nieto, ang gamot ay bilang supplements at hindi COVID-19 treatment para sa mga pasyente na sumasailalim sa home quarantine sa Cainta.


“Ang case nila ay mild to moderate. Lahat ng naka-home quarantine, may naka-assign na doktor sa kanila at tatawag sa kanila everyday. ‘Pag sinabi ng doktor na hindi, hindi. ‘Pag sinabi ng doktor na puwede, puwede,” ani Nieto.


“It’s really up to them because I trust them that based on their knowledge, they would exactly know how to treat and manage these COVID patients,” dagdag pa niya.


Gayundin, aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang Lianhua Qingwen na gamitin sa bansa upang gamutin ang mga may lung toxins, lagnat at iba pang katulad na sintomas.


Subalit, ayon kay FDA director general Eric Domingo, hindi pa ito inaprubahan bilang treatment para sa COVID-19.


Ipinaliwanag naman ni Dr. Philip Tan-Gaute, isang traditional medicine expert, na ang Lianhua Qingwen ay kombinasyon ng Chinese herbal formulas, na daang taon na at ginagamit upang gamutin ang pasyenteng may wheezing cough at sore throat.


"It can help alleviate the symptoms, shorten the treatment time, but not necessarily decrease the chance of progression to severe disease," sabi ni Tan-Gaute.


"These compounds from the herbs, they will alleviate the symptoms and help the body fight off the virus. It's still the body that does the job. Is it a useful treatment? With some cases, yes. Not all cases," dagdag pa ni Tan-Gaute.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page