top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 30, 2021



ree

Isasama na rin ng Department of Health (DOH) sa official tally ng COVID-19 cases ang mga nagpositibo sa antigen test results.


Sa ngayon ay nakukuha ang official tally base sa resulta ng RT-PCR (reverse transcription polymerase chain reaction) tests at ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inirekomenda ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng antigen test kits sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna na isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ).


Pahayag ni Vergeire, “The rapid antigen test will be officially reported for this period that we have this increase in the number of cases… it’s going to be used as part of our outbreak response.


“In our guidelines and based on WHO recommendations, when there are areas with increased incidence or there are outbreaks like what we are having right now, you can use antigen test as confirmatory already so we do not need any RT-PCR.”


Una na ring sinabi ni Testing Czar Vince Dizon na plano ng pamahalaan na taasan ang COVID-19 tests araw-araw ng higit sa 90,000 sa pamamagitan ng antigen test kits.


Saad naman ni Vergeire, “But if you are going to use the rapid antigen in areas where there is low prevalence and you use them for asymptomatics or screening, you need the use of the RT-PCR for you to confirm that test.”


Samantala, nakapagtala ang bansa ng 9,296 karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw at sa kabuuang bilang ay 124,680 na ang naitalang active cases.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 30, 2021



ree

Nagpositibo sa COVID-19 ang yumaong OPM icon na si Claire dela Fuente ngayong araw, ayon sa kanyang anak na si Gregorio “Gigo” De Guzman.


Pahayag ni Gigo sa kanyang Instagram video, “This wasn’t supposed to be out and opened yet but now that it is out and hindi namin makontrol, I will just address it here now.


“Yes, it’s true that my mom, Claire dela Fuenta, died early this morning at 7 AM from cardiac arrest from… over her anxiety kasi na-confirm nga na meron siyang COVID.”


Sinabi rin ni Gigo na na-disappoint sila na kumalat kaagad ang balita.


Aniya, “Medyo na-disappoint kami, medyo nagalit kami that this was leaked to the media nang ‘di oras without our consent.”


Inamin din ni Gigo na positibo rin siya sa COVID-19.


Aniya, “I am COVID positive kasabay ng mom ko but I am asymptomatic.”


Saad pa ni Gigo, “What pains me is that kahit na positive ako, I couldn’t stay with her at samahan siya roon kasi mag-isa lang siya roon sa tent, sa labas ng ospital.


“Ayaw niyang sabihin sa akin na ganu’n pala ‘yung kondisyon niya.”


Ayon din kay Gigo, ang mga kamag-anak nila ang nag-aayos para sa libing ng mga labi ni Claire.


 
 

ni Lolet Abania | March 30, 2021



ree

Umabot na sa kabuuang 741,181 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala ngayong Martes ang Department of Health (DOH) ng 9,296 bagong kaso ng na-infect ng virus.


Ito na ang ikalimang sunod na araw na nakapagtala ng mahigit sa 9,000 bagong kaso ng coronavirus.


Ayon sa DOH, pumalo naman ang bilang ng active cases sa bansa ng 124,680, pinakamataas na nai-record ngayong taon.


Sa nasabing bilang, 96% dito ay nakararanas ng mild symptoms, 2.3% ay asymptomatic habang 0.7% ay severe at 0.6% ay nasa critical condition.


Pumalo naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa 603,310 matapos na 103 ang bagong gumaling mula sa virus.


Mayroon namang 5 bagong nasawi kaya umakyat na sa 13,191 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page