top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 6, 2021



ree

Isinusulong ni Marikina 2nd District Representative Stella Luz Quimbo ang ‘household lockdown’ sapagkat mas epektibo umano ito kontra-COVID-19, sa halip na isarado ang ekonomiya sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).


Batay sa panayam sa kongresista ngayong araw, Abril 6, aniya, “'Pag sinabing ECQ, ibig sabihin nu’n, lahat po tayo. Napakamalawakan kahit sa mga lugar na wala namang COVID, magsasara lahat, kaya ang panukala ko po, piliin na lang po natin. ‘Yun na lang pong mga households na may COVID positive, ‘yun na lang po ang i-lockdown natin nang sa ganu'n, puwede pong ipagsabay ang ating layunin na pigilan ang pagkalat ng COVID at the same time, tuluy-tuloy pa rin ang ating ekonomiya.”


Paliwanag pa niya, “Ang estimate d’yan sa kada araw ng ECQ sa greater Metro Manila area, ang nawawala sa atin, P8-B kada araw. Napakabigat po nu’n, so naisip ko po, let’s make it targeted ‘yung lockdown.”


Giit naman ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua ng National Economic and Development Authority (NEDA), “ECQ alone does not reduce the spike in the COVID-19 cases. The solution is to further enhance our implementation of the PDITR strategy with clear targets to achieve. This will help reduce the spike in COVID-19 cases given the new variants.”


Inirekomenda ni Chua ang Prevent, Detect, Isolate, Treat, and Recover (PDITR) strategy upang mabawasan ang paglobo ng COVID-19. Nilinaw din niyang bilyones ang halagang ikinalugi ng bansa simula noong nag-lockdown sa NCR Plus, kung saan tinatayang daang-libong indibidwal ang nawalan ng pagkakakitaan.


“On top of these, the more stringent quarantine in NCR Plus translates to a daily household income loss of P2.1 billion or almost P30 billion for the two-week period. All in all, the two-week ECQ may shave off 0.8 percentage points from the country’s full year economic growth in 2021,” dagdag pa ni Chua.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 5, 2021



ree

Inamin ng aktres na si Beauty Gonzalez noong Linggo na nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang mister na si Norman Crisologo at sa kabutihang-palad ay magaling na ito at nakabalik na sa kanila.


Nag-post si Beauty ng family picture nila sa kanyang Instagram account kung saan ibinahagi ng aktres ang kanilang pinagdaanan nang ilang linggo rin na nagpabago umano sa kanya.


Kuwento pa ni Beauty, nang malamang positibo sa COVID-19 ang kanyang mister, isinugod na ito sa ospital.


Hindi raw niya alam ang gagawin nang mga sandaling iyon dahil hirap nang huminga si Norman. Todo-panalangin ang ginawa ni Beauty upang malagpasan ang pagsubok at para sa paggaling ng kanyang mister mula sa COVID-19.


Ngayong nakarekober na si Norman ay muli na silang nagkasama-sama.


Sina Beauty at Norman ay nagkakilala dahil kay Ellen Adarna. Nagpakasal sila noong Mayo, 2017 at biniyayaan ng anak na si Olivia Ines.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 4, 2021



ree

Positibo sa COVID-19 ang Baguio City mayor at contact tracing czar na si Benjamin Magalong, ayon sa kanyang Facebook post noong Sabado.


Saad ni Magalong, “It is with a sad note that I would like to inform everyone that as of my RT-PCR test conducted yesterday morning (April 2, 2021), to which my results came out at 4:30pm of the same day, I was tested positive of the Covid-19 virus.” Aniya ay nagsasagawa na rin ng contact tracing para sa mga nakahalubilo niya.


Pahayag pa ni Magalong, “Contact tracing efforts are underway for those whom I have come into close contact with. I also strongly advise everybody to observe the minimum health standards.”


Dagdag pa ni Magalong, “Indeed, this news came out as a devastating blow for me and my family. The seriousness of this pandemic is something that we should not take for granted. It is a difficult situation and I don’t want anyone of you to be in this condition as it is emotionally, psychologically and financially difficult for our loved ones to bear.


“However, despite the predicament I am in, please be rest assured that we are still monitoring closely the City’s situation and coordinating to the proper authorities the necessary things to be done.”


Samantala, nanawagan din si Magalong sa publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols ngayong panahon ng pandemya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page