top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 6, 2021



ree

Positibo sa COVID-19 si Defense Secretary Delfin Lorenzana, ayon sa kanyang statement na mababasa sa official Facebook page ng Department of National Defense (DND) ngayong Martes.


Aniya, "The result of my RT-PCR test today, 06 April 2021, came up positive. I will be undergoing isolation, following the quarantine guidelines to avoid infecting others.”


Naipaalam na rin niya umano sa mga nakasalamuha niya ang kanyang sitwasyon at inabisuhang sumailalim din sa isolation at magpa-COVID-19 test.


Aniya, “Those who have been exposed to me have been informed. They have been advised to isolate and get tested for COVID-19 as well.”


Siniguro naman ng DND na tuloy pa rin ang kanilang operasyon at magsasagawa rin sila ng skeleton workforce.


Nanawagan din si Lorenzana sa publiko na makiisa at sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols upang maiwasan ang patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.


Saad pa ni Lorenzana, “I would like to remind everyone that the threat of the virus is as real as ever, more so now due to the new variants. Let us all cooperate and abide by the prescribed health protocols to help in curbing the spread of COVID-19.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 6, 2021



ree

Positibo sa COVID-19 si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda, ayon sa kanyang Facebook post ngayong Martes.


Aniya, noong March 22 ay nakaramdam na siya ng sintomas ng COVID-19 katulad ng pamamaos at pangangati ng lalamunan at sumailalim siya kaagad sa antigen test kung saan positibo ang resulta nito.


Negatibo naman daw sa antigen test ang mga kasama niya sa bahay.


Nang malaman niyang COVID positive siya ay kaagad din siyang sumailalim umano sa self-isolation.


Saad pa ni Antiporda, bukod sa vitamin c at zinc, niresetahan din siya ng doctor ng Zythromax at Lianhua.


Aniya pa, “My COVID-19 fight. Hindi ko sinabing gayahin n'yo pero ito ang pinagdaanan ko.


“Day 2. Mar. 23, 2021: Dr. Rogel prescribed Zythromax (once a day).


“With 4 tabs of Lianhua every meal.”


Noong March 24, aniya ay lumala ang kanyang lagay at bumaba ang oxygen level niya.


Nu’ng March 25, may nagpadala umano sa kanya ng Avigan.


Aniya, “Day 4 Mar. 25, 2021: Jojo Soliman sent Avigan meds for me, natakot naman ako baka magkahalu-halo na at ‘yun pa ang ikamatay ko.”


Kasunod nito ay nag-post si Antiporda ng kanyang larawan kasama ang tila healthcare worker na naka-protective suit.

Saad pa ni Antiporda, “Check-up time. COVID teletubbies on the move. Kaya natin ito.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 6, 2021



ree

Umabot sa 382 ang naitalang bagong bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw ngayong Martes.


Ngunit ayon sa Department of Health (DOH), nagkaroon diumano ng “technical issue” at sa naturang bilang, 341 ang idinagdag mula sa mga hindi naisama sa mga nakaraang talaan ngayong buwan ng Abril.


Paliwanag ng DOH, “A technical issue with the case collection systems resulted in lower reporting of COVID-19 death counts over the past week.


“One of the information systems that collects hospital data experienced a technical failure which caused incomplete fatality numbers and data to be encoded.


“As a result of this error, there were 341 deaths prior to April 2021 that went unreported. The number of deaths reported today (382) already includes the said deaths not reported in previous counts.”


Samantala, sa kabuuang bilang ay pumalo na sa 13,817 ang mga pumanaw dahil sa COVID-19. Nakapagtala rin ang DOH ng 9,373 karagdagang kaso ng COVID-19 at sa kabuuan ay umabot na sa 812,760 ang naitalang kaso.


Umakyat naman sa 646,381 ang mga gumaling na matapos makapagtala ang DOH ng 313 bagong bilang. Sa ngayon ay 152,562 ang bilang ng mga aktibong kaso sa bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page