top of page
Search

ni Lolet Abania | October 28, 2021



Umabot na sa kabuuang 23,727 kabataan na may comorbidities na edad 12 hanggang 17 ang nabakunahan laban sa COVID-19, batay sa report ng Department of Health (DOH) ngayong Huwebes.


Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, nakapagtala naman ang DOH ng 25 adverse events, kung saan seryoso ang naging kondisyon ng tatlo rito.


“‘Yung nag-severe allergy, ‘yung tinatawag natin anaphylaxis that will require injection… I think one or two required some oxygen… some were rushed to hospitals,” ani Cabotaje sa Kapihan Session ng DOH.


“I think one or two had a private physician o ‘yung magulang niya doctor so after the initial response, minanage sa bahay,” dagdag ni Cabotaje.


Sinabi ni Cabotaje na ilan sa mga dinala sa ospital ay na-discharge na rin matapos ang isa o dalawang araw na pananatili roon.


“’Yung ibang kaso mild allergy, may kaunting rashes, may kaunting sakit sa injection site, but many of these… immunization-related anxiety response,” paliwanag ni Cabotaje.


Matatandaang sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na target ng gobyerno na matapos ang pagbabakuna sa mga menor-de-edad sa Disyembre ngayong taon upang maproteksiyunan ang mga ito sa severe COVID-19 infection.


“By December, ang target po natin ma-vaccinate at least 80% of the target population with two doses,” sabi ni Cabotaje.


Gayundin, inaasahan ng National Task Force Against COVID-19 na makapagbakuna ng tinatayang 12.7 milyong minors na edad 12 hanggang 17.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 28, 2021



Dumating na sa bansa ang nasa 976,950 doses ng government-procured Pfizer COVID-19 vaccines sa tulong ng Asian Development Bank nitong Miyerkules ng gabi.


Pasado alas- 9 nitong Huwebes nang gabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang eroplanong pinagsakyan ng bakuna.


Sinalubong ito ng ilang opisyal ng Department of Health at ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.


Ayon kay Galvez, karamihan sa nasabing mga bakuna ay ilalaan sa mga menor de edad na magsisimula sa Nobyembre 3.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 24, 2021



Tinatalakay na ng DOH at mga eksperto ang pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19 sa mga menor de edad sa labas ng NCR.


“We are already discussing with our experts ’yung expansion na isasagawa kasi sa ngayon NCR pa lang," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. 


Kung makikita raw na maayos ang pagpapatupad ay ie-expand na ang pagbibigay ng bakuna sa mga kabataan.


Sa ngayon ay nasa ika-2 bugso ang pagbabakuna ng mga batang 12 hanggang 17 anyos. 


Binigyang-prayoridad ang mga batang may health risk o comorbidity.


Ayon pa sa DOH, tingin nila ay kakayaning pagsabayin ang roll out ng pilot vaccination at sa mga kabataan at ang kasalukuyang bakunahan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page