top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 2, 2021



Sinimulan na ng Taguig City local government ang pagbabakuna sa menor de edad na walang comorbidities ngayong Martes.


Ayon sa pamahalaang lokal ng Taguig, ang mega vaccination hubs sa Lakeshore at Bonifacio High Street ang siyang mag-a-accomodate sa pediatric population na may edad 12 to 17 without comorbidities.


Ang pagbabakuna naman sa mga menor de edad na may comorbidities na sinimulan noong Oktubre 26 ay magpapatuloy pa rin.


Para sa mga nais magpabakuna, maaari nang magpa-schedule sa pamamagitan ng trace.taguig.gov.ph o Taguig TRACE kiosks na matatagpuan sa mga barangay halls o barangay health centers.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 1, 2021



Dumating na sa bansa ang 2,098,980 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines nitong Linggo ng gabi.


Ito ay mula sa donasyon ng United States sa pamamagitan ng COVAX Facility.


Pinangunahan ni vaccine czar Carlito Galvez ang pagsalubong sa nasabing mga bakuna.


Aniya, mayroon pang ilang milyong doses ng bakuna ang parating sa bansa.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 31, 2021



Nakatakdang mag-donate ang Canada ng 200 million doses ng COVID-19 vaccine para sa mga mahihirap na bansa.


Ito ay inihayag ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa isinagawang G20 summit kahapon.


“Canada will donate the equivalent of at least 200 million doses to the COVAX Facility by the end of 2022,” ani Prime Minister Justin Trudeau.


Sampung milyon dito ay Moderna vaccine na agad ide-deliver sa developing countries.


Nangako rin ang Canada na magbibigay ng $15 M para tumulong na itaas pa ang vaccine production sa South Africa.


Noong Agosto, inanunsiyo ng American company na Moderna na nais nitong magtayo ng vaccine manufacturing plant sa Canada, na siyang magiging unang planta sa labas ng Amerika.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page