top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 27, 2020



Nilagdaan na ng private firms sa Pilipinas ang supply agreement para sa 2.6 million doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.


Bibilhin umano ng mga private firms ang vaccines at ido-donate ang kalahati ng suplay sa pamahalaan at ang kalahati ay para sa kanilang mga empleyado, ayon kay Government Business Adviser Joey Concepcion.


Inaasahang darating sa bansa ang mga naturang vaccines sa Mayo o June sa 2021.

Pahayag naman ni Secretary Carlito Galvez, chief implementer ng National Task Force Against COVID-19, "Through this partnership we are thinking and acting ahead of the virus.


"Through this show of unity and selflessness, which we refer to as the bayanihan spirit, we are demonstrating to the world that although the pandemic knocked us down, we will rise up and come together as one."

 
 

ni Lolet Abania | November 20, 2020




Tina-target ng pamahalaan ang pagbibigay ng inisyal na COVID-19 vaccine sa tinatayang 50 hanggang 60 porsiyento ng populasyon sa bansa, ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire.


“We initially costed for 20 million which is 20% of our population, but when we were discussing it with our vaccine czar, Secretary (Carlito) Galvez, Jr., we decided we would want to have an expanded coverage where 50 to 60% of the population can be vaccinated,” sabi ni Vergeire sa isang interview ngayong Biyernes.


Plano ng gobyerno na bumili ng paunang 50 milyong doses ng COVID-19 vaccines, kung saan sinasabing ang Pilipinas ang isa sa mga bansang matinding nakaranas ng Coronavirus outbreak. Bibigyang-prayoridad ang mga mahihirap, security forces, frontline workers ng gobyerno at healthcare workers.


Ayon kay Vergeire, inako na rin ng pamahalaan ang gastusin sa pagde-deliver ng vaccine sa buong bansa kahit mas mahal pa ito kaysa sa mismong vaccine lalo na at nangangailangan ng ultra-low freezer storage.


“We need to be able to cost the end-to-end process before we eventually expand the coverage to include at least 50% of the population for this vaccine,” ani Vergeire. “We are sourcing out, we are looking for many vaccines, but for those which require ultra low freezer storage, that will require a lot of money because the cost will also include distributing these vaccines to different localities,” dagdag ng kalihim.


Gayunman, tumangging magbigay ng detalye si Vergeire sa halaga ng makukuhang COVID-19 vaccines, kabilang din dito ang bayad sa logistical requirements. Ang na-develop na COVID-19 vaccines ng American firms na Pfizer-BioNTech at Moderna lamang ang napatunayan na 94 porsiyentong epektibo para mapigilan ang Coronavirus infection matapos ang isinagawang mga trials.


Gayundin, ang na-develop ng Pfizer-BioNTech ay nangangailangan ng ultra-low freezer storage na -70 hanggang -80 degrees Celsius na may malaking tsansa para sa mga bansang may tropical climate at limitado ang resources tulad ng Pilipinas.


Ayon naman kay Galvez, pina-finalize na ng gobyerno ang magsu-supply ng COVID-19 vaccines na manggagaling sa tatlong manufacturers ng US, UK at China kung saan maseselyuhan ang napagkasunduan sa katapusan ng buwan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page