top of page
Search

ni Lolet Abania | October 4, 2021



Naglabas ang Department of Health (DOH) ngayong Lunes ng listahan ng 11 medical conditions para ang mga kabataan na nasa edad 12 hanggang 17 ay maging eligible na mabakunahan kontra-COVID-19.


Sa isang mensahe sa mga reporter, ayon sa DOH ang mga bata na eligible para sa vaccination laban sa COVID-19 na may medical conditions ay ang mga sumusunod:


• Medical Complexity

• Genetic conditions

• Neurologic conditions

• Metabolic/endocrine

• Cardiovascular disease

• Obesity

• HIV infection

• Tuberculosis

• Chronic respiratory disease

• Renal disorders

• Hepatobiliary


Sa isang media forum, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga menor-de-edad na babakunahan ay kailangan na mayroong clearance mula sa kanilang mga doktor at dapat ring may consent at kanilang pagsang-ayon.


“Ibig sabihin ang kanilang mga magulang ay kailangan magkaroon ng consent dito, pipirma sa document, at pangalawa ‘yung bata mismo na babakunahan ay may assent dito. Pangatlo, siyempre ‘yung monitoring natin,” paliwanag ni Vergeire.


Payo ni Vergeire sa mga magulang na i-register ang kanilang mga anak sa kanilang local government units.


Una nang sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na ipaprayoridad ng national government sa pagbabakuna ang 10% ng kabuuang mga menor-de-edad sa buong bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan.


Ayon pa kay Cabotaje, ang National Children’s Hospital at Philippine Heart Center sa Quezon City gayundin, ang Philippine General Hospital sa Manila ay nag-anunsiyong tutulong sila sa pagbabakuna ng mga kabataan kontra-COVID-19.


Gayunman, hindi naman nagbanggit si Vergeire ng ibang mga ospital na makakabilang sa pagbabakuna sa mga menor-de-edad.


“Antayin lang natin kasi inaayos po. Kailangan kasi mayroon agreement with the hospitals before we can announce,” sabi pa ni Vergeire.

 
 

ni Lolet Abania | September 30, 2021



Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko hinggil sa pagkuha o pagbili ng COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng online selling platforms at social media.


Sa isang advisory ng FDA, target ng naturang “scam” ang mga indibidwal na may partikular na brand ng vaccine na kanilang napili, lalo na ang mga overseas Filipino workers (OFWs). Ang mga nabanggit na COVID-19 vaccines ay AstraZeneca, Pfizer, at Moderna.


“The modus operandi of the scammers includes offering a promo deal like buy 2 take 1 deal. Once you place your order to the online selling platform, the seller will send a chat message and will give his private contact numbers, usually Viber, WeChat or WhatsApp. Payment will be requested to be settled through GCash or bank transfer prior arrangement of delivery,” ayon sa FDA.


“After the payment, another person/number will send a message asking for courier or delivery fee. When the delivery fee has been paid, another person will send a message asking for the payment of the insurance fee. No vaccine product will be delivered even when all payments have been settled,” dagdag pa ng FDA.


Giit ng ahensiya, ang pagma-market at pagbebenta ng COVID-19 vaccines sa bansa sa ngayon ay ipinagbabawal dahil ang mga bakuna ay ibinibigay ng gobyerno nang libre.

Umapela rin ang FDA sa publiko na agad i-report sa ahensiya ang anumang bentahan o distribusyon ng COVID-19 vaccines.


Ayon pa sa FDA, walang tinatawag na counterfeit ng COVID-19 vaccines na available sa bansa.


Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakatanggap na ng mahigit sa 70 milyon doses ng COVID-19 vaccine mula sa pitong manufacturers simula noong Pebrero 28, 2021.

 
 

ni Lolet Abania | September 28, 2021



Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin niya ng police power o kapangyarihan ng pulisya para pilitin ang mga mamamayan na magpabakuna kontra-COVID-19.


Ito ang naging pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People upang maobliga ang bansa na makamit ang herd immunity laban sa COVID-19 kaugnay ng vaccination program na isinasagawa ng gobyerno.


“If it is not yet there in your place, ‘di pa dumating ang supply well perfectly understood. Pero ‘yung nandiyan na at ayaw ninyo o talagang may pinag-isipan,” ani P-Duterte.


“You know, I do not want to advance this theory, but under the police power of the state, everybody can be compelled to vaccination,” dagdag ng Pangulo.


“Not because we do not believe in your religion but because you are a carrier or a danger to society. ‘Yan ang problema diyan. It’s between your belief maybe, your religion, eh there is a division of religion and state,” paliwanag ni P-Duterte.


Ipinunto ng Pangulo ang prinsipyo ng separation ng church at state subalit, idiniin nitong makikialam ang pulisya kung ang pinag-uusapan na ay tungkol sa pagbabakuna.


“Sa ordinaryong mga araw, ‘di nakikialam ang gobyerno. Ni minsan government has no power to compel any religion or church to not to do a certain thing,” sabi ni P-Duterte.


“It can only cooperate but itong police power ng state na hahawain mo kapwa tao mo patayin mo and maybe it would affect a large number of our people then you are a danger to society,” sabi pa niya.


Hanggang nitong Setyembre 27, umabot pa lang sa 20.3 milyon Pilipino ang fully vaccinated, kung saan nasa 26.33% lamang ng populasyon ng bansa.


Ayon sa Department of Health, ang vaccination kontra-COVID-19 ay hindi mandatory subalit ang benepisyo nito ay nakakabawas ng panganib sa sakit para sa nakatanggap ng bakuna.


Giit ni Pangulong Duterte, “The police may intervene in the private life of people who would not get vaccinated.”


“If everyone does not comply with vaccination, we have wildfire spread (of virus), then police must go in and intervene in your private life so you can not be in danger to society,” sabi ng Punong Ehekutibo.


Hinimok din ng Pangulo ang mga professionals gaya ng mga doktor at lawyer na iwasang magsalita ng mga mapanganib na mga pahayag laban sa COVID-19 vaccination dahil maaaring makumbinse ang publiko hinggil dito.


“Whether you are a doctor, a specialist, practitioner or general, kapag doctor ka o abogado medyo may kabigatan ang salita natin,” ani P-Duterte.


“If you are convincing in your arguments, people might listen to you and that could be a problem. Sana kung ganito na ayaw mo manahimik ka na lang,” dagdag niya.


“There is freedom of speech in the country but sana naman you will go by the general trend all over the world to get vaccinated or inoculated... It is really the best defense for yourself and fellow men,” wika ni P-Duterte.


Habang patuloy na nakakaapekto sa lahat ang pandemya ng COVID-19, sinabi ni Pangulong Duterte na posibleng bumalik ito sa normal matapos ang dalawa o tatlong taon, subalit aniya, maaaring mapaikli ito kapag naabot na ng bansa ang herd immunity.


“We would not be able to return to the old norm mga ano pa siguro two to three years. Pero 'pag ang mga tao nandiyan ang bakuna, magpabakuna kaagad, maminimize yan,” sabi ng Pangulo.


“If God helps us, we can have steady supply of vaccines,” aniya pa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page