top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 12, 2021



Dumating na sa bansa ang 272,610 doses ng Pfizer na binili ng Pilipinas kontra COVID-19 nitong Lunes ng gabi.


Sinalubong ito nina Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Assistant Secretary Wilben Mayor at US Embassy Political Officer Kevin Riley.


Nakatakdang ipadala sa iba't ibang rehiyon ang bagong dating na mga bakuna.


Hinikayat naman ni Mayor ang mga Pilipino na magbakuna at patuloy na sundin ang minimum health protocols.


“Hinihikayat ko po ang ating mga kababayan na magpabakuna po and the...We really ask the local government officials and local government units and implementing agencies to increase their vaccination numbers...So as to achieve the target 50 to 80 percent of the population inoculated within this year," ani Mayor.


Nauna nang dumating nitong Lunes din ang halos 1 milyong Pfizer vaccine doses na donasyon ng US.


Samantala, umabot na sa 23.1 milyong mga Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

 
 

ni Lolet Abania | October 9, 2021



Natanggap na ng pamahalaan ang idineliber na humigit-kumulang 1.4 milyon doses ng COVID-19 vaccine ng Moderna ngayong Sabado nang hapon habang naghahanda ang bansa sa pagpapalawak pa ng inoculation program ngayong buwan.


Lumapag ang mga doses ng Moderna vaccines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 bandang alas-4:00 ng hapon ngayong Sabado, via China Airlines Flight CI 703.


Ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, umabot sa 1.36 milyon ang pinakabagong nai-deliver na doses ng COVID-19 vaccine, kung saan 885,700 ay binili ng gobyerno habang 477,600 naman ang binili ng pribadong sektor.


Samantala, ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez, Jr. may inisyal na alokasyon ang pamahalaan na 45,000 hanggang 50,000 COVID-19 jabs na inilaan para sa pilot vaccination ng mga kabataan na edad 12-17 sa mga piling ospital sa Metro Manila.


Base sa data ng gobyerno hanggang nitong Biyernes, ayon sa mga awtoridad nasa 22.9 milyon indibidwal na ang fully vaccinated habang tinatayang nasa 26 milyon katao naman ang nakatanggap ng first dose ng COVID-19 vaccine.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 9, 2021



Nakalaan sa pilot vaccination ng mga kabataan ang halos 50K doses mula sa 3 milyong bakuna na kararating lang ng bansa nitong nagdaang mga araw.


"Initially, we are allocating more or less 45,000 to 50,000 (doses) muna, initially for the pilot," ani Vaccine "czar" Carlito Galvez Jr.


Sisimulan ang pilot vaccination para sa mga edad 12 hanggang 17 anyos sa piling mga ospital sa Metro Manila.


Kabilang sa mga natanggap na bakuna ay ang aabot sa 2.1 milyong Moderna COVID-19 vaccines kung saan 1.3 milyon ay binili ng gobyerno habang 477,600 ang in-order ng pribadong sektor.


Nasa 661,100 doses naman ay galing sa AstraZeneca.


Samantala, inaasahan din ng mga eksperto na maaagapan ang malalang kaso ng COVID-19 para sa mga 12-anyos pataas dahil sa pag-apruba ng bagong gamot na Ronapreve - isang 'monoclonal antibody treatment' kontra COVID-19.


"Sa pag-aaral sa phase 2 and 3, safe siya ibigay sa ganitong edad 12 years and above, mataas din ang proteksiyon. Puwede siya sa mga matatanda," anang infectious disease expert na si Rontgene Solante.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page