top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 15, 2021



Dumating na sa bansa lulan ng Flight LDL-456 lulan ang 862,290 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.


Nauna nang dumating sa Cebu ang 76,050 doses nito kahapon, Oktubre 14 sa ganap na 6:00 p.m.


Ang nasabing deliveries ay bahagi ng pagbili ng gobyerno sa tulong ng Asian Development Bank.


Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr na mayroon pang darating na mga karagdagang bakuna ng katulad na brand sa mga susunod na araw.


Gagamitin ang nasabing mga bakuna sa mga bata na magsisimulang bakunahan ngayong Oktubre 15.


Sa kabuuan, mahigit 88 million doses na ng bakuna ang dumating sa bansa simula nitong Pebrero.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 15, 2021



Magsisimula na ngayong Biyernes ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga menor de edad.


Walo ang pilot COVID-19 vaccination sites na gagamitin:


* Philippine Children’s Medical Center

* Fe Del Mundo Medical Center

* National Children's Hospital

* Philippine Heart Center

* Pasig City Children’s Hospital

* Philippine General Hospital

* Makati Medical Center

* St. Luke’s Medical Center


Gagamitin naman sa pagbabakuna ang Pfizer at Moderna, na mga vaccine brand na may emergency use authorization para magamit sa mga batang edad 12 hanggang 17 anyos.


Nagsagawa na ng inspeksiyon ang DOH at nagkaroon na rin ng simulation ang mga ospital gaya ng Philippine Heart Center.


Ayon kay DOH - National Capital Region Director Gloria Balboa, handa na ang mga ospital para rito, kailangan lang ng dagdag-oras sa pag-screen at counseling ng mga magulang.


Para sa mga magpapabakuna, kailangang magdala ng medical certificate, parent o guardian, at ID ng pasyente at kasama niya.


Ayon sa ahensiya, oobserbahan muna ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga batang pasyente ng pilot sites sa loob ng isang linggo bago ito buksan sa mga piling ospital sa bawat lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

 
 

ni Lolet Abania | October 12, 2021



Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes sa mga awtoridad na hanapin ang mga indibidwal na ayaw magpabakuna kontra-COVID-19 at turukan ang mga ito habang sila ay natutulog upang makamit ng bansa ang layong herd immunity laban sa virus.


“Alam kong marami pang ayaw. ‘Yan ang problem, ‘yung ayaw magpabakuna. Kaya hanapin ninyo ‘yan sa barangay ninyo. Akyatin natin pagtulog at turukin natin habang natutulog para makumpleto ang istorya,” ani Pangulong Duterte sa kanyang taped address na Talk to the People.


“Kung ayaw, akyatin sa bahay, tusukin sa gabi. Ako ang mag-ano [turok sa kanila],” dagdag ng Pangulo.


Ayon kay National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon, ang pag-aalangan para sa COVID-19 vaccines ay nananatili pa rin sa mga malalayong lugar. Aniya, kinakailangan ng matinding information drive para ipaalam sa mga tao na ang bakuna ay makababawas ng tiyansa na ma-infect o makakuha ng severe case ng COVID-19, kung saan napatunayan na rin sa mga datos mula sa Food and Drug Administration (FDA).


Base sa FDA records, mayroong 516 breakthrough infections mula sa mga fully vaccinated na indibidwal sa buong bansa. Ito ay 0.0025% lamang ng 20.3 milyong fully vaccinated individuals sa bansa.


Ang inisyal na target ng gobyerno na fully vaccinated na Pinoy ay 70% ng 109 milyong populasyon ng bansa hanggang Disyembre ngayong taon, subalit ito ay binago ng 80% hanggang 90% ng populasyon bago pa ang May 9, 2022 national elections.


Sa ngayon, tinatayang nasa 23 milyong Pilipino na ang fully vaccinated kontra-COVID-19.


Ang rehiyon na may pinakamalawak na COVID-19 vaccine coverage ng 77% ay Metro Manila, ang epicenter ng pandemya sa bansa.


Tiwala naman si Pangulong Duterte na 50% ng tinatayang 109 milyon populasyon ng bansa ay fully vaccinated na kontra-COVID-19 bago pa mag-Pasko.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page