top of page
Search

ni Lolet Abania | November 8, 2021



Naitala ang unang kaso ng B.1.617.1 variant ng COVID-19 sa bansa kung saan na-detect sa Floridablanca, Pampanga, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.


Sa isang press conference, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang coronavirus variant na dating kilala sa tawag na Kappa ay kasalukuyang klinasipika bilang isang variant under monitoring ng World Health Organization (WHO).


“The first case of the B.1.617.1 variant is a local case from in Floridablanca, Pampanga.


The case is a 32-year-old male that had mild disease severity and tagged as recovered,” sabi ni Vergeire.


Nang unang makolekta ang sample nito noong Hunyo, ang variant ay kinokonsidera pa bilang isang variant of interest ng WHO.


“Further investigation is being done by our regional epidemiology and surveillance unit in order to gather more information on this case, and there is strict monitoring of this case in the community,” paliwanag ni Vergeire.


Ang naturang variant ay pinakakaraniwan sa India na nasa 69%.

 
 

ni Lolet Abania | November 8, 2021



Umabot na sa kabuuang 230,357 kabataan ang nabakunahan kontra-COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.


Sa isang press conference, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na base ito sa tally ng National COVID-19 Vaccination Operations Center (NVOC).


“We were already able to inoculate among the pediatric population, 230,357,” ani Vergeire.


Sa kabuuang bilang, ayon kay Vergeire nasa 0.10% lamang na kabataan ang nakaranas ng inaasahang temporary reactions na karamihan sa kanila ay masakit sa bahaging tinurukan, sakit ng ulo, at pagkahilo.


Dagdag ng kalihim, ilang minors naman ang nagkaroon ng anxiety attacks.


Gayunman, sinabi ni Vergeire na lahat ng insidente ng side effects mula sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccines ay kanilang maayos na naresolbahan.


Noong Nobyembre 3, inumpisahan ng pamahalaan ang pagbabakuna kontra-COVID-19 para sa lahat ng minors na edad 12 hanggang 17 matapos ang pilot inoculation ng mga menor-de-edad na may comorbidities.


Sa tala ng DOH, mayroong 12.7 milyong kabataan na edad 12 hanggang 17 sa bansa.


Ayon sa ahensiya, target ng gobyerno na makapagbakuna ng 80% o tinatayang 10 milyon ng mga minors na edad 12 hanggang 17 hanggang Disyembre 2021.


Gayundin, ang Pfizer at Moderna vaccines lamang ang awtorisadong bakuna para sa pediatric vaccinations sa bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page