top of page
Search

ni Lolet Abania | November 27, 2021



Ipinahayag ng US pharmaceutical company na Moderna nitong Biyernes na magdedebelop sila ng isang booster shot laban sa bagong Omicron variant ng COVID-19.


Batay sa Moderna, isa ito sa tatlong istratehiyang isinasagawa ng kumpanya para pagtuunan ng pansin ang panibagong bantang ito, kabilang dito ang pagdedebelop ng isang mas mataas na doses ng kanilang umiiral nang bakuna.


“The mutations in the Omicron variant are concerning and for several days, we have been moving as fast as possible to execute our strategy to address this variant,” sabi ni Moderna CEO Stephane Bancel.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 27, 2021



Nagpositibo sa COVID-19 ang Canadian singer na si Bryan Adams matapos lumipad pa-Italy.


Bukod sa pagiging singer, siya rin ay isang photographer, at nagtungo ito sa Milan upang i-promote ang 2022 calendar ng Pirelli na siyang kumuha ng mga larawan.


"Here I am, just arrived in Milano and I've tested positive for the second time in a month for Covid. So it's off to hospital for me," sabi niya sa kanyang Instagram post.


"Thanks for all your support," dagdag niya.


Noong Oktubre 31 ay nag-post din ito na siya ay COVID positive, pero walang naranasang mga sintomas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page