top of page
Search

ni Lolet Abania | November 28, 2021



Ipinahayag ng mga health officials sa Australia ngayong Linggo na naka-detect sila sa kauna-unahang pagkakataon ng COVID-19 Omicron variant matapos na masuri ang dalawang pasahero na nagmula sa southern Africa at lumipad patungong Sydney.


Ayon sa eastern state health authority ng New South Wales, nagsagawa sila ng agarang genomic testing at nakumpirma na tinamaan ng bagong strain ang dalawang pasahero na dumating sa Sydney nitong Sabado.


Sa isang statement ng NSW Health, ang parehong pasahero ay nanggaling sa southern Africa at dumating sa Australia sakay ng Qatar Airways flight via Doha.


Nagpositibo sila sa test sa COVID-19 ilang saglit lang matapos dumating sa naturang bansa, na nagresulta sa agad nilang analysis sa posibleng impeksyon ng matinding mutation ng Omicron strain.


“The two positive cases, who were asymptomatic, are in isolation in the special health accommodation. Both people are fully vaccinated,” sabi ng NSW Health.


Sinabi naman ng health authority na mayroong 12 pasahero pa mula sa southern Africa na nasa pareho ring flight ang nagnegatibo sa test sa COVID-19, subalit isinailalim na sila sa quarantine.


Gayundin, tinatayang 260 passengers at crew sa nabanggit na eroplano ang pinayuhan nang mag-isolate.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 28, 2021



Nakapagtala ng dalawang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Omicron variant ang United Kingdom (UK).


Ang dalawang kaso ay iniuugnay sa mga bumiyahe sa Southern Africa.


Sa pahayag ng UK government, matapos ang genome sequencing ay nakumpirma ng UK Health Security Agency ang COVID-19 na mayroong mutation na B.1.1.529.


“Thanks to our world-class genomic sequencing, we have been made aware of two U.K. cases of the Omicron variant,” pahayag ni Sajid Javid, Health Secretary ng Britain.


“We have moved rapidly, and the individuals are self-isolating while contact tracing is ongoing,” dagdag niya.


Dahil dito ay muling ipinag-utos ni Prime Minister Boris Johnson na gawing mandatory ang pagsusuot ng face mask sa mga pamilihan at public transportation.


“As always, I must stress this, with a new variant there are many things we just cannot know at this early stage,” ani Johnson.


“It does appear that Omicron spreads very rapidly and can be spread between people who are double vaccinated,” he added. Although the science around Omicron is still new, it is a “very extensive mutation” dagdag pa niya.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 28, 2021



May panawagan ang ilang eksperto sa gitna ng banta ng coronavirus disease (COVID-19) Omicron variant.


Anila, kailangang panatilihin ang Alert Level 2 sa buong bansa hanggang Enero, kahit na bumababa na ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 nitong mga nagdaang mga linggo. 


Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, nararapat lang na manatili sa Alert Level 2 para paghandaan at mas ma-contain ang posibleng pagpasok ng Omicron na unang nadiskubre sa South Africa. 


“I understand the position na we can remain at alert level para ready na din tayo just in case at para ma-contain natin ang spread," ani David. 


Para naman kay health reform advocate Dr. Tony Leachon, dapat maghinay-hinay pa sa ngayon lalo't may pagbabakuna pa. 


“Ang suggestion ko i-retain natin ang Alert Level 2 kasi ang dami pa nating gagawin. Magbabakuna pa tayo, Magbu-booster shots pa tayo. ’Yung mga bata babakunahan pa natin. Pangalawa, parang Alert Level 1 na ’yung Alert level 2, so lalo na ’pag in-Alert Level 1. So maghinay-hinay tayo. I think mas maganda ’yung merrier and safer Christmas, kaya buong December Alert Level 2 muna tayo nang sa gano'n safe na safe talaga ang ating Christmas. Tapos sa January 2022 na tayo mag-Level 1 pag nabakunahan na natin ang at least 50 percent of the population,” ani Leachon. 


Noong Biyernes ay idineklara ng World Health Organization ang Omicron bilang variant of concern dahil sa mas mabilis umano itong makahawa kumpara sa Beta at Delta variant.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page