top of page
Search

ni Lolet Abania | November 28, 2021



Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong Linggo ang pagpapalawig ng travel restrictions sa pito pang mga bansa hanggang Disyembre 15 dahil sa naiulat na bagong kaso ng COVID-19 variant Omicron.


Kabilang ang Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium, at Italy na idinagdag sa mga bansang nasa red list, kung saan unang inilagay sa listahan ang mga south African nations gaya ng South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique.


Sa isang pahayag, sinabi ni Cabinet Secretary at acting Presidential spokesperson Karlo Nograles na ang sinumang inbound international traveler mula sa mga nabanggit na mga bansa sa loob ng huling 14 na araw bago pa ang kanilang pagdating sa Pilipinas ay hindi papayagang makapasok anuman ang kanilang vaccination status.


“Only Filipinos returning to the country via government-initiated or non-government-initiated repatriation and Bayanihan Flights may be allowed entry subject to the prevailing entry, testing, and quarantine protocols for Red List countries, jurisdictions, or territories,” sabi ni Nograles.


Pinangalanan ng World Health Organization (WHO) ang bagong nadiskubreng B.1.1.529 variant Omicron, na unang na-detect sa South Africa.


“With Omicron designated as a Variant of Concern, the IATF likewise approved the recommendations to strengthen local COVID-19 response,” ani Nograles.


 
 

ni Lolet Abania | November 28, 2021



Pinag-iisipan ng gobyerno ang posibilidad na ibalik ang requirement ng pagsusuot ng face shields matapos ang iniulat na banta ng COVID-19 Omicron variant, ang bagong coronavirus variant of concern.


“We will look at the possibility. ‘Yan ang inaano ni (Department of Health) Sec. (Francisco) Duque. He is pro na maibalik ang any protections na puwede natin gamitin kasi some people from WHO (World Health Organization) also believe that kaya nagkaroon ng magandang result sa Delta as to others because of the protection of face shield,” ani vaccine czar Carlito Galvez sa isang virtual presser sa mga reporters.


Ang usapin naman hinggil sa pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert Level 1 sa Disyembre, sinabi ni Galvez, “We will reconsider ‘yung plan na ‘yun (that plan) considering na may ongoing uncertainties with Omicron.”


Ayon kay Galvez, wala pang nai-report na Omicron variant case, na pinaniniwalang matinding makahawa, sa Pilipinas sa ngayon.


Samantala, sinabi ni Galvez na ang Sputnik Light, Sinovac, AstraZeneca, Pfizer at Moderna ay inaprubahan lahat ng Food and Drug Administration (FDA) na gamitin bilang karagdagang doses o booster shot.


Matatandaang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na optional na ang pagsusuot ng para sa mga lugar na nasa Alert Level 3, 2, at 1 subalit nananatili itong required sa lugar naman na nasa Alert Level 5.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page