top of page
Search

ni Lolet Abania | December 27, 2021


Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes na hindi na magpo-post ang ahensiya ng COVID-19 bulletins araw-araw, simula sa Sabado, Enero 1, 2022.


“Nais po namin ipaalam na hanggang sa December 31 na lang ang araw-araw na paglabas ng case bulletin at ng COVID-19 situational report,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa media briefing.


“Simula sa January 1, lahat ng ating COVID-19 data ay makukuha na natin sa COVID-19 tracker sa DOH website,” dagdag ng opisyal.


Sa isang statement, ayon sa DOH, ang nasabing tracker ay ia-update ng alas-4:00 ng hapon araw-araw at maaaring i-accessed sa doh.gov.ph/covid19tracker.


“This public tracker, which has been operational since the start of the pandemic, contains all information being provided in the case bulletin and daily situation report,” paliwanag pa ng DOH.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 22, 2021



Ilang araw nang walang naitatalang COVID-19 cases ang PNP, ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos.


Kamakailan lang ay dalawa pang pulis ang nakarekober sa Covid at ngayon ay nasa 42,097 na ang total na bilang ng mga pulis na nakarekober sa sakit na ito.


Hindi na rin nadagdagan ang 125 pulis na namatay mula noong Nobyembre 10.


Ang kabuuang naging kaso ng COVID-19 sa PNP ay sumampa sa 42,245.


Samantala, 214, 308 pulis na ang fully vaccinated kontra-COVID-19. Nasa 9,781 naman ang may unang dose ng bakuna habang 1,432 na lamang ang hindi nababakunahan dahil sa medical condition at paniniwala.

 
 

ni Lolet Abania | December 11, 2021



Pansamantalang maantala ang vaccination drive ng pamahalaan sa mga lugar na apektado ng masamang panahon, ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19 official.


Sa isang radio interview kay NTF adviser Ted Herbosa ngayong Sabado, sinabi nitong mino-monitor nila ang weather disturbance na tatama sa Mindanao at makakaapekto sa ilang lugar sa bansa dahil sa gaganaping second round ng mass vaccination drive mula Disyembre 15 hanggang 17.


Alas-3:00 ng madaling-araw ngayong Sabado, namataan ang low pressure area (LPA) na matatagpuan sa layong 2,340 kilometro silangan ng Mindanao, kung saan nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR), batay sa ulat ng PAGASA.


Ayon sa PAGASA, ang LPA ay maaaring ma-develop na maging isang tropical cyclone sa loob ng 48 oras at posibleng pumasok sa PAR sa Martes. Bibigyan ito ng pangalang “Odette” kapag pumasok na sa bansa.


“In fact, may binabantayan kaming bagyo na baka pumasok sa PAR na sasabay doon sa ‘Bayanihan, Bakunahan’ so siyempre inaalagaan namin ‘yung supply ng mga bakuna at kung mawalan ng kuryente roon eh maging problema pa ‘yung cold storage,” paliwanag ni Herbosa.


“Baka i-hold namin para magprepara muna tayo para maprotektahan ‘yung mga bakuna.


Pangalawa, siyempre ‘yung safety ng mga gustong magpabakuna, kung baha ‘yan or malakas ang ulan eh, siyempre dapat ihinto ‘yung pagpapabakuna sa mga lugar na tatamaan at dadaanan nu’ng bagyo,” dagdag ni Herbosa.


Sinabi ni Herbosa na importante na ma-fully vaccinate ang pitong milyong indibidwal sa ikalawang round ng pagbabakuna kontra-COVID-19 sa gitna ng banta ng bagong Omicron COVID-19 variant.


Kaugnay nito, nakapagtala ang bansa ng 10.2 milyong indibidwal sa unang round ng vaccination drive mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 3.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page