top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 4, 2022



Matapos magsara ng National Shrine of Saint Jude Thaddeus at Quiapo Church, pansamantala ring isinara ang isang simbahan sa Paco, Maynila dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19.


Ayon sa CBCP, sarado muna hanggang Enero 15 ang Santa Maria Goretti Parish Church sa UN Avenue.


Ayon sa parish priest na si Fr. David Concepcion, 2 sa kanilang staff ay nagpositibo sa COVID-19. 


Agad namang nagsagawa ng disinfection at sanitation sa naturang simbahan.


Samantala, tuloy naman ang online mass sa paeokya ng 9 a.m. tuwing Linggo at 7 a.m. tuwing Lunes hanggang Sabado.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 4, 2022



Nagpositibo sa COVID-19 si PNP Chief Dionardo Carlos. Ito ay kanyang kinumpirma ngayong Martes.


“This is to confirm that I, Police General Dionardo Carlos, tested positive for COVID-19 virus (suspected Omicron variant),” ayon sa kanyang mensahe sa mga reporters.


Ayon kay Carlos, sumailalim sila ng kanyang close-in security at staff sa RT-PCR test noong Linggo matapos makaranas ng fever at chills ng isa sa kanyang mga personnel.


Maliban sa kanya ay nagpositibo rin sa COVID-19 ang kanyang driver at aide.


“I experienced fever, chills, and body sweats Sunday evening but come Monday, only lower back pain remains,” ani Carlos.


Mula 8 ay naging 107 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga PNP personnel ngayong Martes.


Batay sa datos ng PNP, ang mga bagong talang kaso na ito ay nagdulot ng kabuuang 164 active cases sa kapulisan.


Samantala, umabot na sa 42,370 cases ang naitala ng PNP kung saan 42,081 dito ay naka-recover habang 125 naman ang nasawi.

 
 

ni Lolet Abania | January 3, 2022


Isa pang Filipina na mula sa United States ang nakalusot sa mandatory quarantine ng gobyerno, ayon sa Department of Tourism (DOT).


Sa isang television interview ngayong Lunes kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, sinabi nitong maraming reports ng quarantine breach ang nakalap ng DOT matapos ang unang naiulat na insidente ng isang returning Filipina mula sa US na dumalo sa isang party sa Poblacion, Makati City na dapat sana ay nasa ilalim ito ng isolation.


“After this incident, somebody gave the name and even gave pictures na the day she arrived, nagpa-masahe pa as in she was even posting it on Instagram stories. Very proud ha, na she was skipping quarantine and her name was given and the person who knows her even gave a sworn affidavit. Nahuli na rin ‘yung tao na ‘yun,” pahayag ni Puyat sa CNN interview.


“I’ve given it already to the [Bureau of Quarantine] and the [Department of the Interior and Local Government] and I will leave it up to them,” dagdag ni Puyat.


Ayon kay Puyat, ang nasabing balikbayang Pinay ay agad dumiretso sa kanyang condominium nang dumating ito sa Pilipinas.


“She didn’t even check in a hotel. She just said that she checked in this hotel but it showed that she didn’t even check in a hotel. Dumiretso sa condo niya,” diin ni Puyat.


Matatandaang noong nakaraang linggo, kinumpirma ng DOT ang report ng isang returning overseas Filipino (ROF) woman na mula sa US ang nag-skip ng kanyang quarantine sa isang hotel at dumalo sa party sa Makati, kung saan ang kanyang mga nakasalamuha ay kalaunang nagpositibo sa test sa COVID-19.


Ani BOQ, isang complaint o reklamo naman ang kanilang “inihanda” laban sa nasabing Pinay. Ayon din kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, titiyakin ng ahensiya na mananagot ang sinumang lalabag sa ipinatutupad na quarantine protocols.


Samantala, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, na may ilang mga indibidwal na nagbabayad umano sa mga hotels para makalusot sila sa quarantine.


Sa isang television interview kay Año ngayon ding Lunes, binanggit nitong kadalasan ang mga miyembro ng pamilya at kamag-anak ang nagpe-pressure sa kanilang kaanak na naka-quarantine na lumabag sa protocols upang agad nilang makasama ang mga ito.


Hinimok naman ni Puyat ang publiko na sakaling magre-report sila hinggil sa paglabag sa quarantine protocols, na ibigay ang mga pangalan ng violator at ang hotel para agad nilang maaksiyunan ang insidente.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page