top of page
Search

ni Lolet Abania | January 7, 2022



Ipinahayag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson nitong Biyernes na nagpositibo siya sa test sa COVID-19.


Sa isang tweet, sinabi ni Lacson na sumailalim siya RT-PCR nitong Martes, Enero 4, at ang resulta ay lumabas nitong Huwebes, Enero 6.


“Immediately informed all my Jan. 3 physical contacts of my Jan 4 Covid-positive test result which was released only last night, Jan. 6 so they can take extra precautions to protect their loved ones and others,” sabi ni Lacson.


“Thank God no one is exhibiting symptoms. Wearing our masks helped much,” ani pa ng senador.


Samantala, una nang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian ngayon ding Biyernes na nagpositibo siya sa test sa COVID-19.


Sa kanyang Twitter, binanggit ni Gatchalian na nakararamdam siya ng mild symptoms at naka-self-quarantine na sa ngayon.


“Following strict health protocols, I went on self-quarantine away from family, friends and the public,” sabi ni Gatchalian.


“So far, I am only experiencing mild symptoms from the virus and this goes to show that the vaccines are effective and working against it,” dagdag ng senador.


Hinimok naman ni Gatchalian ang publiko na tanggapin “kaagad” ang nakatakdang booster shots.


“I will be back to work in no time as we wind down the 18th Congress,” ani pa Gatchalian.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 7, 2022



Nasa 10.4 milyon indibidwal o 106 percent na ang fully vaccinated kontra COVID-19 sa Metro Manila.


“Sa ngayon po, ang nabakunahan po natin ay 106 percent na po, 10.4 million,” pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes.


Samantala, 11,147,904 indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang first dose as of January 4.


Sinabi rin ni Abalos na target nilang maturukan ng booster shots ang nasa 763,986 indibidwal ngayong buwan.


“Sa booster shots naman ang tina-target po namin ay [763,986] for January. Ngayon po ay nakaka-[727,897] na po tayo. Maganda na po, right on target,” aniya.


Sa kabilang banda, nag-e-exert din umano ng effort ang LGUs sa Metro Manila pagdating sa pagbabakuna sa pediatric population nito o ‘yung mga nasa edad 12-17.


“Sa pediatric, ito po ‘yung mga bata, ang target po rito is 1.4 million, nakaka-[919,975] na po tayo na first dose at 804,313 [for second dose],” pahayag ni Abalos.


“Double time pa rin po kami dito dahil talaga ang tanging solusyon dito, ang pinaka-solusyon ay ang pagbabakuna,” patuloy niya.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 7, 2022



Kinumpirma ni volleyball star Alyssa Valdez ngayong Biyernes, January 7, na siya ang nagpositibo sa COVID-19.


“Thank you for all the well-wishes,” post ni Valdez sa kanyang Twitter account.


Ayon naman sa kanyang handler na V Management Group, ang dating Ateneo standout ay nakararanas ng mild symptoms.


“Please be rest assured that Alyssa is taking the necessary precautions and will be recovering from home,” ayon pa sa pahayag.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page