top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 11, 2022



Inihayag ni Interior Secretary Eduardo Año nitong Martes na siya ay naka-isolate matapos muling magpositibo sa COVID-19 sa ikatlong pagkakataon.


Sa kanyang pahayag ngayong Martes, lumabas sa kanyang RT-PCR test ang positive result. Positibo rin sa virus ang kanyang close contacts.


“After several of my close contacts had tested positive, last night I also received a positive COVID-19 RT-PCR test result,” aniya.


“Thankfully, I remain asymptomatic as of now. I will continue to work while isolating,” dagdag niya.


Naunang nagpositibo sa COVID-19 si Año noong March 2020 at muling nagpositibo noong August 2020


Hinikayat naman ng interior chief ang publiko na magbakuna at magpa-booster, at patuloy na sumunod sa health protocols.


“I encourage everyone to get vaccinated and boostered as soon as possible, and to continue following health protocols,” pahayag ni Año.


Noong nakaraang linggo, sina Health Secretary Francisco Duque III, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Transportation Secretary Arthur Tugade, at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. ay sumailalim sa quarantine dahil sa exposure sa COVID patients.

 
 

ni Lolet Abania | January 11, 2022



Anim mula sa 48 na mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) na sumailalim sa random antigen tests ngayong Martes ng umaga ang nagpositibo sa COVID-19.


Sa ulat, isinagawa ang mga testing sa apat na MRT3 stations, sa North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard at Taft Avenue.


Ang mga indibidwal na nag-positive sa test ay hindi pinayagang bumiyahe at pinayuhang agad na mag-isolate habang agad na inatasang agad makipag-ugnayan sa kani-kanilang local government units (LGUs).


Samantala, ang bilang naman ng mga empleyado ng MRT 3 na nagpositibo sa CPVID-19 sa pamamagitan ng RT-PCR ay umakyat na 147.


Sa ngayon, ang mga nasabing personnel ay naka-home quarantine na habang ang iba naman ay nasa quarantine facility. Nasa kabuuang 753 empleyado ng MRT3 ang sumailalim sa RT-PCR test.

 
 

ni Lolet Abania | January 10, 2022



Naglabas ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng programang home isolation package para sa mga mild at asymptomatic COVID-19 cases, ngayong Lunes.


Tinatawag na COVID-19 Home Isolation Benefit Package (CHIBP) ng PhilHealth. Ito ay para sa mga miyembro na asymptomatic o may mild symptoms ng virus na maaaring mag-isolate sa kanilang tirahan.


Ayon kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, ang mga miyembro ng PhilHealth na nagpositibo sa COVID-19 sa pamamagitan ng RT-PCR test ay maaaring mag-apply sa programa ng ahensiya.


Subalit aniya, hindi kasama rito ang mga pasyenteng mayroong severe at critical symptoms ng COVID-19.


“’Yung home isolation package ay binabayad sa accredited providers, hindi po doon sa patients kasi ‘yung providers ang mag-aalaga sa patients,” paliwanag ni Domingo.


Gayunman, sinabi ni Domingo na ang puwede lamang maka-avail ng naturang package ay dapat mayroong nakahiwalay na kuwarto at kailangang may sariling banyo, habang may maayos na ventilation o daloy ng hangin.


Nilinaw naman ni Domingo na ang home isolation package ay alternatibo para sa mga pasyente na may COVID-19, subalit ayaw manatili sa mga itinatakdang Community Isolation Unit (CIU), at nagnanais na makatanggap ng health support habang nagpapagaling sa kanilang tirahan.


Nakasama sa package ng CHIBP ang home isolation kit, kung saan naglalaman ito ng alcohol, thermometer, pulse oximeter, mga face masks, mga medisina, at vitamins; ang pagbibigay ng daily teleconsultation ng hanggang 10 araw; patient education; at referral sa high level health facilities kung kakailanganin na.


Matatandaang inilunsad ang CHIBP ng PhilHealth noong Agosto 2021. Para sa mga nagnanais na mag-apply at maka-avail ng CHIBP, makipag-ugnayan lamang sa PhilHealth hinggil dito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page