top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 12, 2022



Nagpositibo sa COVID-19 si dating Philippine National Police chief at ngayo'y senatorial aspirant Guillermo Eleazar, nitong Martes.


“Tonight, I received the RT-PCR result which showed that I am infected with the coronavirus for the first time,” ani Eleazar. “I am asymptomatic and will continuously observe the home isolation protocol of the Department of Health until I am cleared to go out.”


Nagpaalala naman sa publiko ang dating PNP chief na magpabakuna at magpa-booster upang makaiwas sa malalang epekto ng Covid.


Matatandaang noong Jan. 7 ay nagpositibo rin sa COVID-19 si presidential aspirant Panfilo Lacson.


Si Eleazar ay tumatakbo bilang senador sa ilalim ng Partido Reporma bilang parte ng senatorial slate ni Lacson.

 
 

ni Lolet Abania | January 11, 2022



Nagpositibo si Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Roderick Alba sa test sa COVID-19.


Ayon kay Alba ang resulta ng kanyang COVID-19 test ay lumabas lamang nitong Lunes ng gabi.


Aniya, “I tested positive for COVID-19, report from the Health Service just came out now.”


Sinabi ng opisyal na nakararamdam siya ng flu symptoms, dry cough, runny nose na mayroong plema at pananakit ng katawan.


Binanggit din ni Alba na sasailalim siya sa quarantine sa Kiangan Emergency and Treatment Facility sa Camp Crame.


“I am now focusing on my immediate recovery,” saad ni Alba. Matatandaang noong nakaraang linggo, kinumpirma ni PNP chief Police General Dionardo Carlos na siya rin ay nagpositibo sa COVID-19.


Si Carlos at kanyang close-in security, at staff ay sumailalim sa RT-PCR tests ng Linggo matapos na ang tauhan niya ay magkaroon ng lagnat at makaramdam ng panginginig.


Bukod pa sa kanya, ang duty driver niya at aide ay nagpositibo na rin sa test sa COVID-19. Sa ngayon, nakapagtala na ng kabuuang 43,992, kung saan 537 ang bagong kaso ng impeksyon sa hanay ng kapulisan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page