top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 13, 2022



Nagpositibo sa COVID-19 ang kauna-unahang Filipino Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.


Sa isang Instagram post nitong Miyerkules, ibinahagi ni Diaz ang resulta ng kanyang positive COVID-19 RT-PCR test.


"Kahit ako po, nag-positive na po," pahayag ni Diaz sa kanyang IG story.


"Ingat po tayong lahat. Magpalakas at sundin lahat ng health protocols," dagdag niya.


As of January 12, nasa 32, 246 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

 
 

ni Lolet Abania | January 12, 2022



Inanunsiyo ng celebrity couple na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales-Muhlach sa kanilang Instagram na tinamaan sila ng COVID-19 habang nasa United States.


Ayon kay Charlene, nagsimula siyang makaramdam ng maraming sintomas bago pa magtapos ang 2021 habang uminom lamang ng over-the-counter medicines, kung saan umayos naman ang kanyang pakiramdam ng sumunod na mga araw.


“My symptoms started on Dec 30 & 31. After taking initial over the counter medicine, I felt OK for the next couple days but had continuous nausea & fatigue. I was testing negative during this time but isolated right away the moment I felt symptoms,” paliwanag ni Charlene sa kanyang socmed.


Gayunman, ang beauty queen-turned actress ay sumama ulit ang pakiramdam noong Enero 4. Ito rin ang panahon kung saan ang kanyang mister na si Aga ay nakitaan na ng ilang sintomas ng coronavirus.


“We tested again & this time our tests came out positive. From then on, it was an up and down feeling of being sick & monitoring. One day you’re OK... one day you’re not... but we are so happy that we are making our path towards recovery,” sabi ni Charlene.


Labis naman ang pasalamat ni Charlene na pareho sila ni Aga na fully vaccinated na laban sa COVID-19.


Nai-share din ng beauty queen na ang kanilang anak na si Andres ay nagnegatibo sa swab test nito sa kabila na nakasama nila ito noong holiday seasons.


“Andres tested negative in his PCR test, has no symptoms, was cleared by the doctor and was able to make it back to school safely in Spain. Andres is COVID-free,” sabi ni Charlene.


Ayon kay Charlene, babalik sila sa Pilipinas kapag idineklara silang COVID-free na.


“We will be back home as soon as we are cleared, recovered and COVID-free. Sa lahat ng mga kababayans natin. I pray for everyone’s safety & speedy recovery for all that may be going through the same experience,” ani pa Charlene.


Nagpasalamat naman si Aga na nai-post niya sa kanyang IG sa mga Filipino healthcare workers sa US na inalagaan sila habang nakikipaglaban sa COVID-19.


“Nothing but gratitude for these group of Filipino medical professionals for taking care of me and my wife fight COVID,” sabi ni Aga.

 
 

ni Lolet Abania | January 12, 2022



Nagpositibo muli sa test sa COVID-19 si Abra Representative Joseph Sto. Niño “JB” Bernos.


Sa isang statement na ipinadala niya sa mga reporters, sinabi ni Bernos na fully vaccinated na siya at natanggap na rin niya ang kanyang booster shot.


Subalit aniya, nakakaranas lamang siya ng mild COVID-19 symptoms.


“As advised by my doctors, I am currently undergoing home quarantine, isolated from the rest of my family who, by the grace of God, have all tested negative,” sabi ni Bernos.


Humingi naman ng dasal si Bernos para sa kanyang agarang recovery gayundin, sa mga tinamaan ng COVID-19.


Hinimok din niya ang publiko na patuloy na sumunod sa itinakdang minimum health standards at magpabakuna na kontra-COVID-19.


Matatandaang noong Marso 2021, tinamaan si Bernos ng COVID-19, kung saan siya ay asymptomatic nang panahong iyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page