top of page
Search

ni Lolet Abania | January 21, 2022



Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko lalo na iyong mga nagpopositibo sa ginagawang COVID-19 self-administered test kits na dapat nilang i-report ito sa kani-kanilang barangay officials.


“Halimbawa nag-positive kayo, i-report niyo na sa barangay dahil unang-una, aalagaan kayo ng barangay,” sabi ni DILG Undersecretary Martin Diño sa Laging Handa public briefing ngayong Biyernes.


Ito ang naging pahayag ni Diño nang tanungin tungkol sa ilang mga indibidwal na nagpositibo sa ginawang self-administered COVID-19 test habang pinili nitong sumailalim na lamang sa self-quarantine, subalit hindi ito inire-report sa mga awtoridad.

Ayon kay Diño, kapag ini-report nila ang sarili, makapagpo-provide ang mga awtoridad ng contact tracing, mamo-monitor ang kanilang health, at mabibigyan ng iba pang uri ng assistance.


Kaugnay nito, kailangan na aprubahan muna ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga self-administered COVID-19 antigen test kits. Gayunman, sa ngayon ang mga ito ay ginagamit na ng marami.


Hanggang nitong Enero 18, tinatayang nasa 11 manufacturers ng self-administered antigen test kits ang nag-apply na sa FDA para sa approval nito.


Una nang sinabi ni Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman na ang bilang ng COVID-19 infections sa bansa ay aniya, “understated.”


“Kapag hindi kayo nagpa-RT-PCR or hindi kayo na-antigen, hindi kayo masasama sa bilang,” ani De Guzman.


“But there are also those who are asymptomatic, unknowingly infected na hindi natin nade-detect kaya hindi rin po sila nabibilang doon sa total confirmed cases natin,” sabi pa ni De Guzman.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 21, 2022



Malungkot na inanunsiyo ni Adele ang kanselasyon ng kanyang Las Vegas concerts dahil nagpositibo sa COVID-19 ang kalahati ng kanyang crew at dahil na rin sa delivery delays dulot ng pandemya.


Ang British superstar ay naka-schedule na magsimula ng kanyang three-month residence sa Caesars Palace Hotel kung saan ito ang kanyang magiging first live appearances simula noong 2017.


“We’ve tried absolutely everything that we can to put it together in time. And for it to be good enough for you. But we’ve been absolutely destroyed by delivery delays and COVID. Half my crew, half my team are down with COVID. They still are. And it’s been impossible to finish the show,” ani Adela sa isang video na kanyang ibinahagi sa Instagram.


Labis ang paghingi ng tawad ni Adele lalo na sa mga taong bumiyahe pa sa Las Vegas para manood ng kanyang show. Ayon pa sa kanya, dahil sa delays ay hindi pa nila nape-perfect ang show batay sa kanyang standards kaya ipinangako niya na ito ay ire-reschedule.


“I’m going to finish my show and I’m going to get it to where it’s supposed to be,” aniya.


Ang mga shows na kanya sanang isasagawa ay kasunod ng paglabas ng kanyang latest album na “30” kung saan nag-no.1 ito sa 30 bansa.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 21, 2022



Maaaring mag-avail ng Sickness Benefit Program ang mga empleyadong SSS member na nag-home quarantine matapos tamaan ng COVID-19.


Ayon sa SSS, ang mga members na hindi nakapagtrabaho dahil sa sakit o injury — kabilang ang pagkakaroon ng COVID-19 — at na-confine sa ospital man o bahay nang mahigit apat na araw ay maaaring mag-avail ng program.


Maaari rin itong i-avail ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).


“SSS explained that members who cannot work due to sickness or injury and are confined either in a hospital or at home for at least four days could avail of the sickness benefit. Aside from employed members, SSS also grants sickness benefits to self-employed, voluntary, and [OFW] members,” ayon sa pahayag.


“The SSS Sickness Benefit Program is a daily cash allowance paid for the number of days a qualified member cannot work due to sickness or injury, including workers infected by COVID-19. Members can avail of up to a maximum of 120 days in sickness benefit in one (1) calendar year,” dagdag pa nito.


Ang mga qualified SSS members na gustong mag-avail ng Sickness Benefit Program ay kailangang ipaalam sa kanilang employer na sila ay may sakit, habang ang mga self-employed, voluntary, OFWs, at mga separated from employment ay kailangang i-notify ang ahensiya tungkol sa programa.


Kailangan ding magpakita ng positive RT-PCR result o rapid antigen test na ginawa ng Department of Health (DOH) accredited facility ng miyemberong mag-a-avail ng program. Puwede ring gamitin ang tests na isinagawa gamit ang rapid antigen test kits na approved ng Food and Drug Administration (FDA) at non-FDA approved test kits basta may naka-attach na kopya ng Certificate of Completion of Quarantine.


Ang certificate of Completion of Quarantine ay dapat pirmado ng medical officer mula sa local government unit o sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT).


“COVID-infected members in home confinement can qualify under the program if they have paid at least three monthly contributions within the last 12 months before the semester of sickness or injury and are confined either in a hospital or at home for at least four days,” paliwanag ng SSS.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page