top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 28, 2022



Patuloy na bumababa ang bilang ng panganganak sa bansa kung saan nagtala ng biggest drop noong 2020 sa kabila ng milyun-milyong mamamayan ang isinailalim sa lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.


Sa report noonb Jan. 26, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na1.53 million live births ang na-register noong 2020, mababa ng 8.7 percent mula sa 1.67 million noong 2019, pre-pandemic.


Noong nakalipas na dalawang taon, “on the average, 4,177 babies were born daily, which translates to 174 babies born per hour or approximately three babies born per minute,” pahayag ng PSA.


Ang pagbaba ng bilang ng 2020 births ang pinakamalaking naitala simula noong 2012.


Ang bilang ng panganganak ay bumaba mula 1.79 million noong 2012 at naging 1.76 noong 2013, 1.75 million noong 2014, 1.74 million noong 2015, 1.73 million noong 2016, 1.7 million noong 2017, at 1.66 million noong 2018.


Noong 2019 ay bahagya itong umakyat ngunit bigla rin ang pagbaba noong 2020.

 
 

ni Lolet Abania | January 27, 2022



Nakapagtala ang bansa ng 618 dagdag na kaso ng mas nakahahawang Omicron COVID-19 variant, kung saan 497 ay local cases at 121 mga returning overseas Filipinos (ROFs).


Dahil dito, ayon sa Department of Health (DOH), umabot na sa kabuuang 1,153 ang kumpirmadong kaso ng Omicron sa bansa.


Sa mga local cases, 238 dito ay naitala ang address sa National Capital Region, 71 sa Calabarzon, tig-30 sa Ilocos Region at Western Visayas, 28 sa Eastern Visayas, 27 sa Central Luzon, 20 sa Central Visayas, 19 sa Cagayan Valley.


May 13 naman sa Cordillera Administrative Region (CAR), 10 sa Davao Region, 6 sa SOCCSKSARGEN, tig-2 sa Bicol Region at Mimaropa, at 1 sa Northern Mindanao.

Ayon pa sa DOH, nasa 13 kaso ang nananatiling aktibo.


May kabuuang 5 indibidwal naman ang nasawi sa Omicron.


Sinabi ng ahensiya, mula ito sa latest run sequenced na 677 samples, kung saan 91.29% ay lumabas na Omicron variant.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 26, 2022



Nanatiling nasa severe outbreak ang COVID-19 risk level ng probinsiya ng Benguet simula Jan. 21 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, ayon sa OCTA research.


Muling nanguna ang Benguet sa listahan ng OCTA ng mga probinsiya sa labas ng National Capital Region (NCR) na may pinakamataas na daily attack rate (Adar) na may 101.48 kada 100,000 na populasyon. Ang Adar ay ang bilang ng mga indibidwal na na-infect ng virus sa kada 100,000 katao.


Nakapagtala ang probinsiya ng 1,290 bagong kaso noong Linggo lamang at nakapag-register ng weeklong growth na 86 percent, ayon sa OCTA.


Ang Mountain Province, Ifugao at Kalinga naman ay nagkaroon din ng mataas na outbreak basa sa Adar na naitala sa mga nasabing lugar. Ang tatlong probinsiyang ito ay isinailalim sa alert level 4 mula Jan. 21 hanggang Jan. 31.


Samantala, nagtayo ng 8 checkpoint sa Kalinga noong Linggo upang ma-regulate ang galaw ng mga tao at ng mga hindi bakunado, ayon sa provincial Inter-Agency Task Force.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page