top of page
Search

ni Lolet Abania | February 3, 2022



Sumailalim si Pangulong Rodrigo Duterte sa mandatory quarantine matapos na ma-exposed sa isang household staff member na nagpositibo sa test sa COVID-19, ayon sa Malacañang ngayong Huwebes.


“The Palace confirms that President Rodrigo Roa Duterte was recently exposed to household staff who tested positive for COVID-19,” ani acting presidential spokesperson Karlo Nograles sa isang statement.


“The President has since been tested for COVID-19, and while the results of the test came back negative, he is currently observing mandatory quarantine protocols,” dagdag ng opisyal.


Ayon kay Nograles, na-expose o nalantad ang Pangulo sa isang COVID-19 positive noong Enero 30 at ang kanyang RT-PCR test result, kung saan negatibo siya sa sakit, ay lumabas nitong Lunes, Enero 31.


Sinabi ng kalihim na si Pangulo Duterte ay sumailalim ulit sa isa pang RT-PCR test at muling nagnegatibo sa test nitong Pebrero 1.


Binanggit din ni Nograles na ang Pangulo ay nagtungo sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan para aniya, “for his routine medical check-up only.”


Gayunman, wala pang sagot si Nograles sa mga tanong kung kailan naganap ang checkup ng Punong Ehekutibo o kung ito ay ginawa matapos ang January 30 exposure ng Pangulo sa isang COVID-19 case.


Tiniyak naman ni Nograles sa publiko na si Pangulong Duterte ay nananatiling may kakayahang isagawa ang kanyang mga tungkulin.


“The Chief Executive continues to work while in quarantine, and is in constant communication with the members of the Cabinet in order to ensure that urgent matters are addressed, and to monitor the implementation of his directives, particularly with regard to the government’s COVID-19 response,” giit ni Nograles.


Sa ilalim ng protocol na inisyu ng Department of Health (DOH), ang quarantine period para sa mga na-exposed sa isang COVID-19 case habang fully vaccinated na laban sa COVID-19 ay pitong araw o depende sa advice ng kanyang doktor.


Si Pangulong Duterte ay fully vaccinated na kontra-COVID-19 at nakatanggap na rin ng booster shot.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 3, 2022



Bumababa na ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na naitatala kada araw, ayon sa Department of Health (DOH).


"Magandang balita po ang bungad sa 'tin ng Pebrero sapagkat nagsisimula nang bumaba ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa," ani Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire.


Matatandaang sumipa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa noong Disyembre dahil sa mas nakahahawang omicron variant.


Ayon sa DOH, pababa na ang bilang ng kaso sa Luzon habang nagpa-plateau o bumabagal na ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit sa Visayas ngunit sa Mindanao ay mayroon pa ring mga rehiyon na nananatiling mataas ang bilang ng kaso partikular ang health care utilization, ayon sa DOH.


Ayon naman kay Vergeire, hindi pa dapat alisin ang alert level system.


"Kailangan natin maintidihan what the alert level system is, it is a warning system for LGU (local government unit). It serves as a guide for our LGU kung ano ang dapat gawin at this level of the number of cases or utilization of hospitals," ani Vergeire.


"These are things that for now will be around for a while para hindi na mag-surge ang virus kahit na-control na natin sila," pahayag naman ni Dr. Edsel Salvana ng DOH technical advisory group.


Ayon din sa World Health Organization (WHO), dapat maging maingat ang mga bansa sa pagtanggal ng health protocols.


"They open up on the basis that the country next door opened up. The problem is they don’t have the same situation, they don't have the same vaccine coverage, they don't have a strong health system," sabi ni WHO Health Emergency Program Executive Director Dr. Michael Ryan.

 
 

ni Lolet Abania | February 2, 2022



Muling nagpositibo sa test sa COVID-19 sa ikalawang pagkakataon si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.


Sa kasalukuyan, si Magalong ay sumasailalim na sa home isolation.


“Actually, tinamaan ako ngayon. Nasa home isolation ako. Very mild. This is my second time na na-hit ako ng COVID,” ani Magalong sa isang radio interview ngayong Miyerkules.


Ayon kay Magalong, na nakatanggap na rin ng booster shot ng COVID-19 vaccine, na sa ikalawang araw ng kanyang isolation ay nakarekober siya agad sa mga sintomas ng virus, habang aniya, nasa ikaapat na araw na siya ngayon ng isolation.


Matatandaan noong Abril 2021, si Magalong ay unang nagpositibo sa test sa COVID-19.


Nanawagan naman ang alkalde sa ibang mga local government units (LGUs) at mayors na sinasabing minamanipula umano ang bilang ng kanilang COVID-19 cases sa pamamagitan ng paglilimita umano ng kanilang testing efforts.


“’Yung ibang LGUs, mayors ayaw nilang lumabas na mataas ang kaso nila dahil ang pananaw nila it will reflect on their performance. Of course, with this forthcoming elections, talagang maapektuhan sila,” sabi ni Magalong.


Tinanong naman ang alkalde hinggil sa pag-scrap ng alert level system para sa pag-classify sa mga lugar na may panganib ng COVID-19 at pumabor si Magalong sa naturang proposal.


“Ako pabor talaga kung puwede tanggalin na. We’re just waiting for the experts to give that advice,” sabi pa niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page