top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 21, 2021



Malaki ang kakulangan ngayon sa manpower ng Lung Center of the Philippines matapos tamaan ng COVID-19 ang 36 nilang health workers.


"Sa ngayon ang active cases namin 36. Isa na ito sa pinakamadami sa history ng Lung Center since last year. Pero 405 na po ang naka-recover dito. Ang total namin 442. This is actually a good batting average compared to other healthcare hospitals,” sabi ni Dr. Norberto Francisco, ang humahawak sa media relations ng ospital.


“Ngayon, hirap po kami kasi talagang kulang na kulang ang manpower. We want to expand our services and we have been, isa ito sa pinakamataas naming din-dedicate ang ospital sa COVID beds, nasa 84 percent po kami ng capacity ng ospital dedicated sa COVID. Ang isa sa pumipigil yung healthcare personnel namin, limitado po. Masalimuot ang COVID, maalagain ang mga pasyente,” sabi ni Francisco.


Sa ngayon ay puno pa rin daw ang kanilang ospital at minsan ay umaabot pa ng hanggang limang araw ang paghihintay ng mga pasyente sa emergency room para maiakyat sa kwarto.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 21, 2021



Nagpositibo si Olongapo City Mayor Rolen Paulino sa COVID-19.


Ito ay kinumpirma niya sa kanyang Facebook page at sinabing kasalukuyang naka-home quarantine at nagpapagaling.


Ipinahayag ng alkalde na siya ay positibo sa COVID-19 isang araw matapos ang pagpapasinaya ng molecular diagnostic laboratory sa lungsod.


Personal na dumalo si Paulino noong Huwebes sa pagbubukas ng sariling molecular diagnostic laboratory ng lungsod kung saan siya ay isa sa mga unang na-swab. Ang resulta ng swab test ay lumabas Huwebes ng gabi.


Sinabi niya na hindi niya alam kung sino o saan siya na-expose, pero tiniyak niyang patuloy pa rin siya sa trabaho.

 
 

ni Lolet Abania | September 20, 2021



Nasa tinatayang 155 ang namatay dahil sa COVID-19 kada araw ang nai-record sa bansa nitong Agosto, kung saan pinakamataas simula ng tumama ang pandemya ng COVID-19 noong nakaraang taon.


Sa inilabas na update ngayong Lunes, ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang 155 na naitalang nasawi ay napaglasan pa ang dating record noong Abril na 135 na namatay kada araw sa COVID-19.


Una nang sinabi ng DOH na nakapagtala ang bansa ng average na 131 namatay sa COVID-19 kada araw noong nakaraang buwan matapos na tumaas ang mga kaso ng coronavirus dahil sa pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant.


“At the national level, deaths have been increasing since the last week of July and the new peak was seen in mid-August. With the incoming deaths report, current numbers are still expected to increase,” ani Vergeire sa isang online press conference.


“We cannot attribute it to just one factor and the most plausible explanation, for now, is the number of deaths is increasing because the cases are increasing also,” dagdag ng kalihim.


Lumabas din sa datos ng ahensiya na nakapag-register ng 99 nasawi kada araw mula Setyembre 1 hanggang 19.


“We are closely monitoring Regions 3, 4A, the National Capital Region, Regions 7, 2, 6, 1, and CAR as these regions posted the highest total deaths for the first two weeks of September. Their average daily deaths also show an increasing trend since August,” pahayag pa ni Vergeire.


Gayunman, ang kaso ng fatality rate na 1.68% ay mas mababa kumpara noong nakaraang taon na 2.47% hanggang Setyembre 19, ani Vergeire, “Despite cases and deaths increasing by more than twofold this year.”


Sa ngayon, nakapagtala ang bansa ng 36,934 nasawi dahil sa COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page