top of page
Search

ni Lolet Abania | July 14, 2021


ree

Dumating na ang 1 milyon pang doses ng Sinovac vaccine ngayong Miyerkules nang umaga para sa mas maraming supply ng bakuna sa bansa laban sa COVID-19.


Lumapag ang ika-15 at pinakabagong batch ng doses ng Sinovac vaccine sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City bandang alas-7:35 ng umaga.


Sakay ang mga ito ng Cebu Pacific Flight 5J 671 habang sinalubong ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. at iba pang health officials. Base sa evaluation ng Food and Drug Administration (FDA), ang Sinovac vaccine ay nagtataglay ng efficacy rate gaya ng 65% hanggang 91% sa mga malulusog na indibidwal na may edad 18 hanggang 59; may 50.4% para sa mga health workers, at 51% hanggang 52% sa mga senior citizens o may edad 60 at pataas.


Ang Sinovac vaccine ay ibinibigay ng dalawang doses. Matatandaang opisyal na sinimulan ng pamahalaan ang pagbabakuna noong Marso 1, 2021 subalit natitigil ito dahil sa kakulangan ng supply ng mga COVID-19 vaccines.


Samantala, ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaasahan ng bansa na dumating ang tinatayang 10 milyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa iba’t ibang manufacturers ngayong buwan.


“Hanggang sa katapusan ng buwang ito ay makatatanggap tayo ng mga bakunang ating inaasahan. It will be worth around 10 million doses ang parating hanggang matapos ang buwang ito,” ani Vergeire sa isang interview kaninang umaga.


Bukod sa Sinovac, ang iba pang brands na inaasahang darating sa bansa ngayong buwan ay Sputnik V, AstraZeneca, Pfizer, Moderna at Johnson & Johnson. Sa Huwebes nang hapon, may 250,800 doses ng Moderna vaccine — kabilang dito ang mga kinuha ng mga pribadong sector — ang darating sa bansa.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 13, 2021


ree

AstraZeneca ang ituturok bilang ikalawang dose sa mga nakatanggap ng Sinovac sa kanilang unang dose ng bakuna laban sa COVID-19, ayon sa opisyal ng Thailand ngayong Lunes.


Pahayag ni Health Minister Anutin Charnvirakul, "This is to improve protection against the Delta variant and build high level of immunity against the disease.”


Samantala, ang naturang hakbang ay isinusulong dahil ayon sa health ministry, karamihan sa mga medical at frontline workers na nakatanggap ng Sinovac vaccines sa kanilang unang dose ay tinamaan pa rin ng COVID-19.


 
 

ni Lolet Abania | July 12, 2021


ree

Nasa 3.2 milyong doses ng Johnson and Johnson (J&J) COVID-19 vaccines ang nakatakdang ideliber sa bansa sa July 19, 2021.


Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, ang 3.2 milyong J&J vaccine doses ay donasyon mula sa gobyerno ng United States sa pamamagitan ng global aid COVAX Facility na gagamitin para sa mga senior citizens at persons with comorbidities.


“The directive from [vaccine czar] Secretary [Carlito] Galvez is to use the J&J largely on senior citizens since that will be very convenient for senior citizens and those residing in far flung areas,” ani Cabotaje sa Laging Handa forum ngayong Lunes.


Hindi tulad ng ibang brands, ang J&J vaccine ay isang single-dose vaccine lamang. Aniya pa, sakaling mai-deliver, ito ang kauna-unahang J&J shipment na darating sa Pilipinas.


Samantala, sinabi ni Cabotaje na ang mahigit sa 3 milyon ng two-dose AstraZeneca COVID-19 vaccine na dumating sa bansa noong nakaraang linggo, kung saan ang 1 milyong doses ay donasyon ng Japan, ay nakalaan sa NCR Plus 8, 1.5 milyong doses naman para sa second dose ng mga indibidwal at ang natitirang 500,000 doses ay ibibigay sa iba pang lugar sa buong bansa.


Gayundin, ayon sa kalihim, nagbigay ng direktiba si Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na ang COVID-19 vaccines ay dapat nang ipamahagi sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi provinces, na may malalayong borders at sa gitna ng pagtaas ng bilang ng kaso ng transmissible na Delta variant sa kalapit na bansang Malaysia at Indonesia.


Ipinahayag din ni Cabotaje na umabot na sa 13 milyong indibidwal ang nabakunahan, habang 3.52 milyon naman ang mga fully vaccinated.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page