top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 27, 2021


ree

Inaprubahan na ng Russia ang pagsasagawa ng clinical trials para sa pinaghalong AstraZeneca at Sputnik V COVID-19 vaccines.


Noong Mayo, sinuspinde ng health ministry ng Russia ang pagsisimula ng pagsasagawa ng clinical trials para sa mga naturang bakuna ngunit matapos ang ilang pag-aaral ay itinuloy na ito.


Ayon sa awtoridad, limang Russian clinics ang magsasagawa ng naturang clinical trials at inaasahang matatapos ito sa Mayo, 2022.


Pahayag pa ng Russian Direct Investment Fund (RDIF), "Currently, RDIF is conducting joint clinical trials to combine the first component of Sputnik V - the Sputnik Light vaccine - with vaccines from other foreign manufacturers.


"In particular, the Sputnik Light vaccine can be used in combination with other vaccine to increase their effectiveness including against new variants appearing as a result of the mutation of the virus."

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 23, 2021


ree

Dumating na sa bansa ang karagdagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines ngayong Biyernes.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang Cebu Pacific flight 5J 723 na may lulan ng mga naturang bakuna bandang alas-7 nang umaga.


Dadalhin umano sa cold storage facility sa Marikina City ang mga naturang bakuna na ipamamahagi sa NCR Plus at iba pang lugar na nakakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.


Samantala, sa ngayon ay umabot na sa 17 million doses ng Sinovac vaccines ang nai-deliver na sa bansa.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 16, 2021


ree

Mahigit isang milyong doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ngayong Biyernes.


Lumapag sa NAIA ang China Airlines Flight CI 701 na sakay ang 1.15 million doses ng AstraZeneca kaninang alas-10:09 nang umaga.


Ayon sa ulat, binili ng pampribadong sektor ang mga naturang bakuna bilang tulong sa vaccination program ng bansa.


Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, inaasahang may darating pang karagdagang 1.15 million doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines sa bansa sa Agosto.


Aniya pa, "A total of 2.75 million employees from close to 500 companies are expected to benefit from this — not to mention those who will benefit from the LGU procured doses.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page