top of page
Search

ni Lolet Abania | August 9, 2021


ree

Kakailanganin pa ng karagdagang 12 hanggang 14 milyon COVID-19 vaccines kapag pinayagan na ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga kabataan na nasa edad 17 at pababa, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).


Ito ang naging tugon ni FDA Director General Eric Domingo matapos ang limang buwan nang simulan ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination program at ang pag-apruba ng FDA sa Pfizer-BioNtech lamang na i-administer sa mga batang nasa edad 12 hanggang 17.


“If we are going to include those 12 to 17 years old [in our vaccination program], that would mean additional 12 to 14 million [people to be vaccinated],” ani Domingo sa Laging Handa briefing ngayong Lunes.


“Rest assured that like the vaccine approved for adults, we will not be giving these to children unless it is safe and effective,” dagdag ni Domingo.


Ayon sa opisyal, ang Sinovac vaccine na gawa ng China ay nag-apply na ng emergency use authorization (EUA) sa FDA para sa paggamit ng kanilang bakuna kontra-COVID-19 sa mga kabataang nasa edad 3 hanggang 17, subalit nasa proseso pa ng evaluation ng Vaccine Expert Panel (VEP) ng bansa.


Gayundin, sinabi ni Domingo na ang EUA application naman ng Novavax para sa kanilang COVID-19 vaccine ay pagdedesisyunan pa ng ahensiya sa loob ng 21 araw.


“As long as they already submitted all the requirements, it (approval) should not be a problem,” saad ni Domingo.


Target ng gobyerno na mabakunahan ang 76.3 milyong indibidwal sa katapusan ng taon upang makamit ang herd immunity laban sa COVID-19, subalit sa nasabing bilang ay hindi nakasama ang mga kabataang nasa edad 17 at pababa.


Binanggit din ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na ang kasalukuyang supply ng COVID-19 vaccine sa bansa ay kulang pa ng tinatayang 42 milyong doses.


 
 

ni Lolet Abania | August 3, 2021


ree

Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Martes ang dumating na 3,000,060 milyon doses ng Moderna COVID-19 vaccines sa Villamor Air Base sa Pasay City na donasyon ng United States.


“It is with joy and high hopes that we welcome the vaccines given to us by the United States. This highlights the strong and deep friendship between our two countries,” ani Pangulong Duterte.


“I know the sentiment of America that these vaccines should be given to those who have less in life,” dagdag ng Pangulo. Dumalo rin sa event si US Embassy in Manila Charge de Affaires John Law, na nagbitaw naman ng wikang Filipino para ipahayag ang sinseridad ng pagtulong ng kanilang gobyerno. “Nandito kami para sa inyo,” sabi ni Law.


Ang United States ay nakapag-donate na ng tinatayang 13 milyon doses ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 29, 2021


ree

Dumating na sa bansa ang karagdagang 1.5 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines ngayong Huwebes.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang Cebu Pacific Flight 5J 671 na may lulan ng mga naturang bakuna bandang alas-7:30 nang umaga.


Ang mga opisyal naman ng National Task Force Against COVID-19 ang sumalubong sa pagdating ng Sinovac doses sa airport.


Samantala, noong Martes ay umabot na sa 18,174,405 doses ang naipamahagi na kung saan 11.3 million ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna habang ang 6.8 million naman ang nabakunahan na ng second dose.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page