top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 20, 2021


ree

Iminungkahi ni Senator Joel Villanueva ngayong Huwebes na magsama sa isang infomercial sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice-President Leni Robredo upang hikayatin ang mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19.


Saad ni Villanueva, “Ang isang mungkahi po natin, maglabas ng isang joint public service announcement ang pangulo at ang bise-pangulo. This is the kind of ad that will be effective in convincing a large part of our population that vaccines are safe.


“Ito po ang tambalang nakikita nating mabisa na pangontra sa mga fake news. Both are vaccine recipients, and are living proof that vaccines do no harm.


Ito ang naisip na suhestiyon ni Villanueva matapos ianunsiyo ng Department of Health (DOH) na sasabihin lamang sa recipient ang vaccine brand bago sila bakunahan upang maiwasan ang overcrowding at siksikan sa mga vaccination sites.


Aniya pa, “Vaccine agnosticism will not work without vaccine advocacy. We have to educate before we inoculate. Sadly, much still needs to be done in this area. There is only one vaccine against fake news and that is truth told in a convincing manner.


“But the biggest problem actually is not brand rejection among the people, but vaccine hesitancy in general. Informed choice cannot be substituted with a ‘take-it-or-leave-it’ policy.”


 
 

ni Lolet Abania | May 20, 2021



ree

Iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna ng donasyong Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines sa indigent population, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.


Ayon kay Roque, ibinaba ng Pangulo ang direktiba batay sa kondisyon na ibinigay ng global aid na COVAX Facility na nag-donate ng 193,050 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines na nai-deliver na sa bansa.


“Ipinag-utos ni Presidente na ibigay ang Pfizer sa mahihirap at indigent population. Under COVAX guidelines, it is A1, A2, A3 and A5,” ani Roque sa press briefing ngayong Huwebes.


Sa ilalim ng vaccination program ng gobyerno, ang A1 ay mga health workers, A2 ay mga senior citizens, A3 ay mga taong may comorbidities habang ang A5 ay mga mahihirap at indigents.


Ang A4 naman ay mga essential workers o mga kinakailangang mag-report physically sa trabaho sa kabila ng umiiral na quarantine restrictions.


“Iyong Pfizer, hindi po ‘yan ilalagay sa mall. Ilalagay ‘yan sa barangays na mababa ang uptake ng vaccine,” diin ni Roque.


“On A4, we will use the ones (vaccines) paid for by the government,” dagdag ng kalihim.


Batay sa naging evaluation ng Food and Drug Administration (FDA) ng bansa, ang Pfizer-BioNTech ay may efficacy rate na 95% sa isinagawang study population habang may 92% naman na angkop para sa lahat ng lahi.


 
 

ni Lolet Abania | May 20, 2021



ree

Maaari nang magparehistro para sa pagbabakuna kontra-COVID-19 ang lahat ng mga manggagawa sa larangan ng edukasyon, kahit na hindi sila nasa vaccination priority list gaya ng mga senior citizens o may comorbidities sa pamamagitan ng kanilang local government units (LGUs), ayon sa Department of Education (DepEd).


“'Yung teachers and education personnel, even if without comorbidities or not seniors, can already register sa LGUs, kasi kasunod na sila as A4 priority [group],” ani DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla sa isang interview.


“Pero depende pa rin sa volume of vaccines sa LGUs,” dagdag ni Sevilla.


Hinimok naman ng mga opisyal ang mga education workers na magpabakuna na laban sa COVID-19, kung saan paniwala nilang ito ang daan para mas maging ligtas sa muling pagbubukas ng mga eskuwelahan.


Ilang mga grupo na rin ang nanawagan para sa muling pagbubukas ng mga paaralan dahil ang mga guro, magulang at estudyante ay patuloy na nahihirapan sa ipinatutupad na distance learning.


Nitong linggo lamang, maraming mga empleyado ng tatlong higher education institutions sa Metro Manila ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng COVID-19 vaccines na tinawag na “symbolic vaccinations” bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng 1st National Higher Education Day.


Ayon naman kay Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr., sisimulan na ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga A4 group matapos ang Mayo o kapag tuluy-tuloy na ang supply ng mga vaccines.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page