top of page
Search

ni Lolet Abania | November 10, 2021


ree

Tinanggap ng bansa ang 3 milyon pang doses ng Sinovac vaccines na procured ng gobyerno ngayong Miyerkules ng umaga.


Lumapag ang karagdagang supply ng COVID-19 vaccines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, pasado alas-11:00 ng umaga via Philippine Airlines flight PR361.


Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang naturang suplay ng bakuna ay procured ng gobyerno sa pamamagitan ng Asian Development Bank.


Sa ngayon, nasa 30.1 milyong Pinoy na sa bansa ang fully vaccinated na kontra-COVID-19, habang mahigit sa 35.6 milyong indibidwal ang nakatanggap ng kanilang first dose.


Nakatakda naman ang ‘National Vaccine Day’ program ng pamahalaan sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre, na layong makapagbakuna ng hanggang 15 milyong indibidwal.


Bukod sa mga bakunang Sinovac at AstraZeneca, ginagamit din sa bansa ang mga COVID-19 vaccines na Moderna, Pfizer, Gamaleya Institute, Johnson & Johnson, at Sinopharm.



 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 16, 2021


ree

Dumating sa Pilipinas ang higit pang 753,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine ngayong Miyerkoles.


Mapupunta sa Cebu at Davao ang higit 51,000 doses. Ang natitira ay mapupunta sa mga lugar sa Luzon.


Ayon kay Dr. Ted Herbosa ng NTF on COVID-19, ia-allocate ang mga ito sa mga rehiyon sa labas ng NCR. Mapupunta ang iba sa Region 3 at 4.


Kapag ang LGU ay kulang na sa pang-limang araw ang supply na bakuna, magpapadala ulit sila ng bagong supply.


Dagdag pa niya, walang mababago sa vaccination process sa kabila ng alert level system sa NCR.


Samantala, umabot na sa 39 million ang bakunadong Pilipino, kung saan 17 million ang fully vaccinated.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 11, 2021


ree

Inanunsiyo ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na maaari nang magparehistro ang mga kabataang edad 12 hanggang 17 para sa Covid vaccine.


Maaari raw irehistro ng mga magulang ang kanilang mga anak sa www.manilacovid19vaccine.ph sa dalawang paraan.


Puwedeng i-register sa kanilang account at ilagay bilang family member o irehistro nang bukod na account.


Sinabi ng alkalde na ang registration ay paghahanda sakaling magbigay na ng pahintulot ang gobyerno na simulan ang pagbabakuna sa nasabing age bracket.


“Para kapag go na, pwede na tayo magbakuna”, ani Mayor Isko.


Matatandaang kamakailan lamang ay pinayagan na ng mga eksperto ang pagbabakuna ng Moderna and Pfizer sa mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page