top of page
Search

ni Lolet Abania | February 8, 2022


ree

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng isang non-serious adverse event, na isang batang lalaki, matapos ang pilot rollout ng pagbabakuna kontra-COVID-19 sa mga kabataang edad 5 hanggang 11, kahapon.


Ginawa ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje ang anunsiyo, isang araw makaraan ang vaccination ng naturang age group sa National Capital Region (NCR) nitong Lunes, kung saan agad ding nakarekober nang araw na iyon ang batang lalaki.


“There is one non-serious adverse event on an 11-year-old male from Parañaque, namantal iyong braso at kamay after the vaccination,” sabi ni Cabotaje sa Laging Handa briefing ngayong Martes.


“Pero na-resolve rin iyong rashes nu’ng araw na iyon,” dagdag ng opisyal.

Gayunman, hinimok pa rin ni Cabotaje ang mga magulang at guardians na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa COVID-19.


“Children can get sick with COVID-19, can get hospitalized because of it, or even die because of it. They need to be vaccinated for extra protection, so that if ever they catch the virus, it will just be a mild case or they will be asymptomatic,” punto ni Cabotaje.


“Clinical trials in the United States have shown this COVID-19 vaccine's efficacy rate for children is at 90.7%, and our experts agree. Children need these so they could also go outside because it would be detrimental for them if we keep them inside houses for much longer,” sabi pa niya.


Sa ngayon, mayroon nang 780,000 doses ng COVID-19 vaccines para sa mga batang edad 5 hanggang 11, at ang suplay nito ay inaasahan pang aabot sa 5 milyon doses bago matapos ang Pebrero.


Samantala, ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire may kabuuang 9,784 minors na edad 5 hanggang 11 ang nabakunahan kontra-COVID-19 sa 32 sites sa unang araw ng rollout nito.


Sa kasalukuyan, mayroon nang 43 sites na nakalaan para sa pediatric vaccination.

Sinabi ni Vergeire na target ng gobyerno na mabakunahan ang 15.5 milyong bata, kung saan nasa tinatayang 500,000 ang naka-register na para sa vaccination sa apat na rehiyon.


“Nais po namin magpasalamat dahil maliban sa proteksyong hatid niyo sa inyong mga anak, karagdagang proteksyon po ito para sa inyong mga kapamilya at mga komunidad na kinakabilangan,” sabi ni Vergeire sa isang media briefing.


Inanunsiyo rin ni Vergeire na mahigit sa 9.2 milyong kabataan edad 12 hanggang 17, ang bakunado na laban sa COVID-19.


Ayon pa kay Vergeire wala namang nai-report na nasawi sa mga naturang age group matapos ang pagbabakuna, gayunman, nakapag-record ang gobyerno ng mga kaso ng myocarditis at pericarditis na iniimbestigahan na rin ng ahensiya.

 
 

ni Lolet Abania | February 7, 2022


ree

Umarangkada na ang pagbabakuna kontra-COVID-19 sa mga edad 5 hanggang 11 sa bansa na sinimulan sa National Capital Region (NCR) ngayong Lunes.


Unang inanunsiyo ng Malacañang na ang pilot rollout ng pagbabakuna para sa naturang age group ay gagawin sa mga sumusunod na vaccination sites sa Metro Manila:


• Philippine Heart Center (PHC)

• Philippine Children’s Medical Center (PCMC)

• National Children’s Hospital (NCH)

• Manila Zoo

• SM North Edsa (Skydome)

• Fil Oil Gym in San Juan City


Noong Sabado, sinabi naman ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na ang national rollout vaccination para sa edad 5 hanggang 11 ay gaganapin sa Pebrero 14.


Ayon kay NVOC co-lead Dr. Kezia Lorraine Rosario, tinatayang 500,000 mga bata ang nakarehistro sa bakunahan kontra-COVID-19 na karamihan ay mula sa mga urban areas.


Pinangunahan ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, ang pilot rollout ng vaccination sa PCMC, kung saan nasa tinatayang 85 bata ang nakaiskedyul na bakunahan ngayong Lunes.


“Nananawagan ako sa mga magulang na pagka-natapos nang mabakunahan ang inyong mga anak, ‘wag kakalimutan na after three weeks or 21 days, balik na for the second jab,” paalala ni Duque sa mga magulang at guardians ng mga bata.


Hinimok din ni Duque ang mga magulang na tulungan ang gobyerno na ipakalat ang ganitong kamalayan hinggil sa pediatric vaccination at hikayatin din ang iba pang mga magulang na nag-aatubili namang pabakunahan ang kanilang mga anak kontra-COVID-19.


Samanatal sa NCH, pinangunahan ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang vaccination drive para sa edad 5 hanggang 11, kasama sina NTF medical adviser Dr. Ted Herbosa at US Embassy Chargé d’affaires Heather Variava.


Sa PHC, tinatayang 50 mga bata ang nabakunahan agad ng alas-9:54 ng umaga pa lamang.


Matatandaan noong Biyernes ng gabi, nasa tinatayang 780,000 doses ng Pfizer vaccine para sa mga kabataang edad 5 hanggang 11 ang dumating sa bansa, kung saan unang batch ng suplay ito ng mga bakuna na nakalaan sa naturang age group.


Ayon kay Duque, tinatayang nasa 7 milyong bata ang nasa ilalim ng 5-11 age group at sa nasabing bilang, target ng gobyerno na mabakunahan ang 1.7 milyon.


Sinabi rin ni Duque na nasa tinatayang 8.2 milyong kabataan naman edad 12 hanggang 17 ang fully vaccinated na kontra-COVID-19.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 7, 2022


ree

Bakunado na kontra COVID-19 ang 37 miyembro ng Mamanwa tribe na nakatira sa isang remote area sa bayan ng Almeria sa Biliran.


Ang mga nasabing Mamanwas na nakatira sa Barangay Caucab ay naturukan ng Janssen vaccine, ayon kay Jelyn Lopez Malibago, regional information officer ng Department of Health (DOH).


Ang vaccination drive sa naturang lugar ay isinagawa ng mga health workers doon, na nasa apat na kilometro ang layo sa Almeria town proper.


Sa 37 Mamanwas na nabakunahan, 9 dito ang kabilang sa pediatric group.


Ayon kay Malibago, nasa 773, 395 indibidwal mula sa iba’t ibang parte ng Eastern Visayas ang nakatanggap na ng bakuna sa kasagsagan ng kanilang three-day vaccination campaign.


Sa naturang bilang, 299,351 ang mula sa Leyte province na kinabibilangan ng Tacloban City; Samar na may 146,209; Northern Samar, 124,563; Southern Leyte, 96,560; Eastern Samar, 80,409 at Biliran, 19,304.


Batay sa tala ng DOH, mahigit 2.21 milyong indibidwal na sa nasabing rehiyon ang fully vaccinated kontra COVID-19. Ito ay mahigit 45 percent na ng populasyon nitong 4.86 milyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page