top of page
Search

ni Lolet Abania | March 2, 2022


ree

Pinag-iisipan na ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na mandatory para sa mga guro na magpabakuna kontra-COVID-19, sa gitna ng isinasagawang expansion phase ng face-to-face classes ng Department of Education (DepEd) at ang pagsasailalim sa 39 lugar sa buong bansa sa Alert Level 1.


Sa isang interview kay DOH Secretary Francisco Duque III ngayong Miyerkules, sinabi nitong tinitingnan nila kung posibleng imandato ang COVID-19 vaccination sa mga guro, aniya, “Yes, pinag-uusapan nga ‘yan.”


“In fact in some of our IATF (Inter-Agency Task Force) meetings, si Secretary Leonor Briones has been very, very front about it na malaking problema kung may mga teachers na anti-vaxxers, ayaw magpabakuna. ‘Yan naman ay tinitingnan na natin,” sabi ni Duque.


Gayunman ayon sa opisyal, maraming guro na sa ngayon ang nagnanais na rin na magpabakuna kontra-COVID-19, habang aniya, ang vaccine hesitancy rate sa bansa ay bumaba na sa 8%.


“I think that’s a good indication or a sign that people already now increasingly believe in the protection that the vaccines provide and they can take advantage of this,” dagdag pa ni Duque.


Sa ngayon, ang pagpapatuloy ng face-to-face classes ay nasa ilalim na ng kanilang expanded phase. Nitong Lunes, ipinahayag ng DepEd na may kabuuang 1,726 paaralan ang nagsimula na rin ng kanilang limitadong F2F classes.


Sa isinasagawang expansion phase, mga bakunadong guro lamang ang maaaring mag-participate sa F2F classes habang mga vaccinated learners naman ang “preferred” o piniling makiisa rito.


Gayundin, dahil sa pagbaba sa Alert Level 1 sa ilang mga lugar sa bansa, inaasahan na rin ng DepEd na maraming mga paaralan pa ang magiging bukas sa limitadong in-person classes.


 
 

ni Lolet Abania | March 1, 2022


ree

Mahigit sa 63 million Filipinos ang fully vaccinated na kontra-COVID-19 sa ngayon, eksaktong isang taon nang simulan ng gobyerno ang vaccine rollout sa bansa, ayon sa Malacañang ngayong Martes.


Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, may kabuuang 63,219,221 indibidwal ang nakakumpleto na ng kanilang primary vaccine series hanggang nitong Lunes, Pebrero 28. May kabuuan namang 135,747,294 vaccine doses ang na-administered na sa buong bansa.


Nasa 68,808,944 indibidwal ang nakatanggap ng unang dose, habang 10,214,164 ang nabigyan ng kanilang booster shots matapos na maabot ang tatlo hanggang anim na buwang requirement.


“With more than 80% of our country’s target population now fully vaccinated, we are confident that we can achieve our goal of vaccinating 90 million Filipinos by the end of the second quarter, and administer at least 72.16 million booster shots by the end of the year,” sabi ni National Task Force (NTF) Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. Target ng gobyerno na maging fully vaccinated ang 77 milyong Pinoy kontra-COVID-19 sa pagtatapos ng Marso, at 90 milyon naman sa panahong si Pangulong Rodrigo Duterte ay bumaba na sa puwesto sa Hunyo 30.


Ginunita naman ng NTF, kung saan natanggap ng Pilipinas ang unang vaccine shipment noong Pebrero 28, 2021 na donasyon ng Chinese government. Ang mga bakuna ay agad namang ni-rolled out nang sumunod na araw, Marso 1, 2021.


Ayon pa kay Galvez, simula noong Pebrero nang nakaraang taon, nakatanggap na ang bansa ng mahigit 225 million vaccine doses.


“The key was to work closely with the medical experts, local government units, diplomatic corps, WHO (World Health Organization), and the private sector to maximize our limited inventory of vaccines. We ensured those in the medical field and the vulnerable sectors of society were given primary protection first,” ani Galvez.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 28, 2022


ree

Sinimulan na ng Barangay workers sa Quezon City ang house-to-house COVID-19 vaccination sa mga residente nito.


Dinadala nila ang mga hindi bakunado sa barangay hall.


Ito ang bagong estratehiya ng Department of Health (DOH) upang ma-boost ang vaccination rate sa bansa.


Nitong Sabado, pansamantalang isinara ng Quezon City ang mga regular na vaccination sites upang magsagawa ng area-based inoculation kung saan nasa 100 pop-up vaccination sites ang itinayo sa iba’t ibang lugar sa mga barangay.


Nasa kabuuang 130 teams na binubuo ng mga doktor, nurse, allied healthcare workers, at barangay workers at volunteers ang bumaba sa mga purok upang magbakuna sa mga hindi pa nakatatanggap ng kanilang first dose, second dose, o booster.


Ayon sa Quezon City government ang vaccination rate sa adult population ay halos nasa 100 percent na pero mababa pa rin ang bilang ng mga nagpapa-booster.


“Nahihirapan tayong mag-encourage sa ating mga adults na magpa-booster. Siguro a third of eligible adults na puwedeng magpabakuna pa lang ang nagpapabakuan. So, that’s only 30 percent siguro," ani Mayor Joy Belmonte.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page