top of page
Search

ni Lolet Abania | October 20, 2021



Dalawampu’t tatlong ospital at pasilidad na ang ilalaan para sa phase 2 ng pilot vaccination ng mga menor-de-edad kontra-COVID-19 na sisimulan sa Oktubre 22, ayon sa National Vaccines Operation Center (NVOC).


Noong nakaraang linggo, nakapagbakuna na ang gobyerno ng kabuuang 1,509 kabataan na may comorbidities na nasa edad 15 hanggang 17-anyos. “Currently sa ating census ng for phase 2 may 23 hospitals na tayo, including ‘yung magko-continue na phase 1 hospitals,” ani Dr. Kezia Rosario Rosario ng Laging Handa briefing ngayong Miyerkules. Walong ospital ang unang nang inilaan sa pilot vaccination noong Oktubre 15 ng mga menor-de-edad na may comorbidities.


“So each of the local government units naman po ng National Capital Region have already prepared ng kanilang vaccination site using ‘yung hospital as vaccination site,” sabi ni Rosario.


“We have several din na mga LGUs due to the limitation ng spaces ng hospitals have negotiated with us to use several of their nearby facilities,” dagdag pa ng opisyal. Ayon kay Rosario, ilang mga local government units (LGUs) ay pinayagang isagawa ang kanilang pagbabakuna sa ibang mga pasilidad matapos ang inspeksyon dito.


Tiniyak din ni Rosario sa publiko na ang suplay ng COVID-19 vaccines ay sapat para sa phase 2, kung saan magsisimula sa Biyernes, Oktubre 22.


“May enough supply tayo for them… for the phase 2 as well as ‘yung phase 1, kasama na po doon ang target natin will be around 100,000, actually mga 144, 12 to 17 years old with comorbidities,” saad ni Rosario.


Ayon sa Department of Health (DOH) tinatayang nasa 1.2 milyong kabataan ang may comorbidities na nasa edad 12 hanggang 17-anyos sa buong bansa.


Sinabi rin ng ahensiya na ang mga menor-de-edad na magpapabakuna ay kailangang may clearance mula sa kanilang doktor at dapat na magbigay ng consent at kanilang pagsang-ayon hinggil dito.


Samantala, ang mga medical conditions na eligible ang isang kabataan na may comorbidity na mabakunahan kontra-COVID-19 ay medical complexity, genetic condition, neurologic conditions, metabolic o endocrine diseases, cardiovascular diseases, obesity, HIV Infection, tuberculosis, chronic respiratory disease, renal disorders, at hepatobiliary disease, at iyong may immunocompromised dahil sa sakit o treatment.


 
 

ni Lolet Abania | October 19, 2021



Umabot na sa mahigit 24 milyong Pilipino mula sa 109 milyong populasyon ang bakunado na kontra-COVID-19, ayon Malacañang ngayong Martes.


Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakapag-administer na ang mga awtoridad ng 52.7 milyong COVID-19 shots sa buong bansa, kabilang dito ang tinatayang 28.2 milyong Pinoy na nakatanggap ng first dose.


Ayon din kay Roque sa press briefing, tinatayang 24,498,753 indibidwal naman ang fully vaccinated na hanggang nitong Lunes, kung saan nasa 31.76 percent ito ng target ng gobyerno na mabakunahan laban sa COVID-19.


Sa Metro Manila, tinatayang 7.8 milyong indibidwal ang nakatanggap ng ikalawang dose habang 9 milyon naman ang nabigyan ng unang dose ng COVID-19 vaccines, pahayag pa ng kalihim.


Una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na kinakailangang ang mga bansa ay makapagbakuna ng nasa 85 porsiyento ng kanilang populasyon kontra-COVID-19 matapos ang pagkakaroon ng mas nakakahawang mga variants.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page