top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 20, 2021


ree

Nabakunahan na laban sa COVID-19 si Prince William ng Britain.


Sa Instagram account ni Prince William na Duke and Dutchess of Cambridge, makikita ang larawan niya habang binabakunahan sa Science Museum sa London.


Caption ng naturang larawan, “On Tuesday I received my first dose of the COVID-19 vaccine.


"To all those working on the vaccine rollout - thank you for everything you’ve done and continue to do.”


Samantala, walang binanggit si Prince William kung ano ang itinurok na vaccine sa kanya.


 
 

ni Lolet Abania | May 18, 2021



ree

Tinanggap na ni Sharon Cuneta ang kanyang unang dose ng COVID-19 vaccine.


Sa kanyang IG, nai-share ng Megastar ang isang video na siya ay nasa ospital habang naghahanda na sa pagpapabakuna at katabi ang isang Filipina nurse.


“I’m getting my first shot of Moderna vaccine,” ani Sharon.


“I’m happy to be getting this vaccine so I’m excited. I just wish my kids could get it too soon,” dagdag ng aktres.


Matapos na maturukan si Sharon, aniya “It wasn’t bad at all. I’m done. Thank You, Lord.”


Nakalagay din sa caption ng kanyang nai-post na “vaccinated” na maraming mga emojis at labis na nagpasalamat kay Nurse Trixia na nag-administer ng pagbabakuna sa kanya. Matatandaang noong nakaraang linggo, umalis si Sharon at sinabing aalis siya ng Pilipinas upang umuwi sa kanyang tahanan at nag-share rin ng mga photos ng kanyang malungkot na goodbye sa kanyang pamilya.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 3, 2021


ree

Umabot na sa 284,553 indibidwal sa Pilipinas ang nakakumpleto ng COVID-19 vaccination ngayong Mayo, ayon sa Department of Health (DOH).


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 270,785 sa mga nakakumpleto na ng bakuna ay mga health workers, 3,083 naman ang mga senior citizens at 10,685 ang mga may comorbidities.


Samantala, 1,650,318 katao naman ang nakatanggap ng first dose ng AstraZeneca o Sinovac COVID-19 vaccine kung saan 278,183 ang mga senior citizens, 275,924 ang mga may comorbidities, at 1,718 ang essential workers.


Saad pa ni Vergeire, “There were 1,094,493 frontline healthcare workers in the Philippines or 70.9% of the more than 1.5 million masterlisted [for] priority group A1 population had been vaccinated as of May 1.”


Nilinaw naman ng DOH na wala pang naiuulat sa bansa na pumanaw dahil sa COVID-19 vaccine.


Paalala naman ni Vergeire sa mga nabakunahan na, “We still advise our citizens who are vaccinated to comply still with the minimum public health protocols. Tandaan po natin, hindi po assurance na [kapag] kayo ay nabakunahan ay hindi na po kayo magkakasakit.”


Target ng pamahalaan na mabakunahan laban sa COVID-19 ang 70 million katao sa bansa ngayong taon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page