top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 4, 2021


ree

Pinaikli ng pitong araw ang dating 14-day quarantine sa mga papasok sa Pilipinas na nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, makokonsiderang fully vaccinated na ang isang indibidwal kung pupunta ito ng bansa dalawang linggo o higit pa matapos matanggap ang ikalawang dose ng two-dose series o 2 weeks o higit pa matapos mabakunahan ng single-dose COVID-19 vaccine.


Kailangan din umanong ipakita ng mga papasok sa bansa ang kanilang vaccination card sa Bureau of Quarantine (BOQ) at para sa re-verification sa Department of Transportation (DOTr) One-Stop Shop sa pagdating sa Pilipinas.


Saad pa ni Roque, "All inbound fully vaccinated individuals shall be required to undergo a seven-day facility-based quarantine upon arrival. The BOQ shall ensure strict symptom monitoring while in the quarantine facility for 7 days.”


Matapos umano ang 7-day facility-based quarantine, maglalabas ang BOQ ng Quarantine Certificate kung saan nakalagay ang vaccination status.


Ayon din kay Roque, magsasagawa lamang ng RT-PCR test sa mga inbound traveler sa Pilipinas na fully vaccinated na kung ito ay nakitaan ng sintomas ng COVID-19 sa loob ng 7-day quarantine.


Saad ni Roque, "RT-PCR test shall only be done when the individual manifests COVID-19 symptoms within the 7-day quarantine.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 30, 2021


ree

Nagpabakuna na laban sa COVID-19 ang Bristish royal na si Kate Middleton, Duchess ng Cambridge noong Sabado sa Science Museum.


Saad ni Kate sa social media, “Yesterday I received my first dose of the COVID-19 vaccine at London’s Science Museum.


“I’m hugely grateful to everyone who is playing a part in the rollout – thank you for everything you are doing.”


Samantala, kamakailan ay una nang nagpabakuna laban sa COVID-19 si Prince William.


Katulad ni Prince William ay hindi rin binanggit ni Kate kung ano ang COVID-19 vaccine na itinurok sa kanya.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 28, 2021


ree

Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang rekomendasyong pagpayag sa mga nakakumpleto na ng bakuna na ‘wag nang magsuot ng face mask, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.


Pahayag pa ni Vergeire, “Ang ginagawa natin, tayo po ay nag-aaral na nitong sinasabing rekomendasyon na ito para makita natin if we can also apply this in specific bubbles.”


Ngunit paglilinaw ni Vergeire, hindi pa maikokonsidera ng DOH na payagan ang publiko na ‘wag magsuot ng face mask.


Aniya, “Kung sa Estados Unidos po ay nagkaroon sila ng polisiya na puwede nang hindi mag-mask kapag nasa labas, tayo po rito, hindi pa rin po natin ‘yan maikonsidera kasi ‘yung rate ng vaccination natin, hindi naman pareho roon sa Estados Unidos.


“Mahirap po tayong magkumpara sa ibang bansa sa estado natin ngayon… Meron pa rin po tayong mga pailang-ilang lugar dito sa ating bansa na tumataas po ang kaso.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page