top of page
Search

ni Lolet Abania | August 24, 2021


ree

Nagpositibo sa test sa COVID-19 ang isa sa mga delegado para sa Miss Universe Philippines 2021 crown.


Nai-share ni Gianne Asuncion ng Cagayan Province ang balita sa kanyang Instagram nitong Lunes, habang nag-post ng isang video ng sarili na nakakabit sa kanya ang isang IV at oxygen machine.


Ang beauty queen ay dumaranas ng pneumonia.


“I went silent for days. With the discovery of being COVID positive with pneumonia, I didn’t know how to react. I didn’t know what’s the next that could happen,” caption ni Gianne.


“But you see, this fear of the unknown can’t stop me. It might be hard, but all I know is I will heal. I will get better. Tuloy ang laban,” dagdag niya.


Nagpasalamat naman siya sa kanyang mga mahal sa buhay, ang Team Cagayan, at kanyang Aces at Queens family.


Noong nakaraang linggo, inianunsiyo ng Miss Universe Philippines Organization (MUPO) na si Gianne Asuncion ay isa sa Top 50 delegates na napabilang para sa susunod na round ng kompetisyon.


Isa rin si Gianne sa 15 queens na nanguna sa competition's Video Introduction challenge.


Sa ngayon, hinihintay pa na mag-isyu ng statement ang MUPO hinggil sa health status ni Asuncion.

 
 

ni Lolet Abania | August 23, 2021


ree

Nagpositibo si Armed Forces chief Lieutenant General Jose Faustino Jr. sa COVID-19 matapos na sumailalim sa isang RT-PCR test ngayong Lunes. “I received confirmation that I have tested positive to COVID-19 with the result of my RT-PCR this afternoon,” ani Faustino sa isang statement.


Ayon kay Faustino na fully vaccinated na, “I’m in high spirits to continue performing my job, albeit in quarantine.” “I will remain in command of the AFP but will continue to follow the prescribed isolation protocol to ensure the safety of those I work with and my family,” sabi pa niya.


Sinabi ng AFP chief na nais pa rin niyang dumalo virtually sa gaganaping Western Mindanao Command Change of Command Ceremony bukas sa kabila ng kanyang kondisyon.


“Allow me to take this opportunity to encourage everyone to support our government's vaccination efforts and to get inoculated with a COVID-19 vaccine whenever and wherever they can,” dagdag din ni Faustino.


Gayundin, sa press conference kaninang umaga, sinabi ni AFP spokesperson Colonel Ramon Zagala na ang AFP chief ay nagpositibo sa test sa COVID-19 gamit ang antigen test.

 
 

ni Lolet Abania | August 23, 2021


ree

Kinumpirma ni Department of Budget and Management (DBM) Officer-in-Charge Undersecretary Tina Rose Marie Canda ngayong Lunes na nagpositibo siya sa test sa COVID-19 subalit nananatiling asymptomatic.


Ayon kay Canda, isinailalim siya sa test sa COVID-19 nitong Linggo, Agosto 22, bilang preparasyon para sa pagsusumite ng proposed 2022 national budget sa Congress ngayong Lunes.


“Our routine exam before going to those events, usually we have an antigen. I wanted to have an RT-PCR, so the RT-PCR came out positive. I’ve had a history of false positives, so I just had myself re-swabbed. Apparently, I’m asymptomatic but I hope it stays that way,” sabi ni Canda sa isang phone interview.


Sinabi rin ng opisyal na naka-quarantine siya sa kanyang tirahan habang patuloy sa kanyang trabaho bilang DBM OIC lalo na’t nananatili siya sa ganoong kondisyon.


“I’m in quarantine right now. I’m not even getting out of my room. I still function, I still do my work here inside my room in my house,” aniya.


Matatandaang si Canda ay itinalagang DBM OIC noong Agosto 2, 2021, matapos na ang dating Budget Secretary na si Wendel Avisado ay nag-medical leave dahil sa pakikipaglaban nito sa COVID-19.


Noong Agosto 13, inianunsiyo ang resignation ni Avisado makaraang ma-admit sa ospital ng walong araw at ma-quarantine nang halos isang buwan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page