top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 27, 2021


ree

Nagpositibo sa COVID-19 si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, ayon kay Spokesperson Mark Timbal ngayong Biyernes.


Aniya, mild ang nararanasang mga sintomas ni Jalad at maayos naman umano ang lagay nito.


Saad pa ni Timbal, “Usec. Jalad po tested positive kahapon [Thursday] and is part of the 116 [staff ng Office of Civil Defense na nagpositibo].


“He has mild symptoms and is currently in isolation. He is fully vaccinated and [he] informed me that he's alright.”


Aniya, ito ang unang pagkakataon na marami sa OCD Central ang tinamaan ng COVID-19 kaya pansamantalang isasara ang gusali para makapagsagawa ng disinfection ngunit nilinaw din ni Timbal na tuloy pa rin ang serbisyo ng NDRRMC.


Nakatakda na rin umanong isailalim sa COVID-19 test ang mga may close contact sa mga empleyado ng OCD kabilang na ang pamilya ng mga ito.


 
 

ni Lolet Abania | August 25, 2021


ree

Nagdesisyon si Senador Nancy Binay na mag-self-quarantine matapos na ang kanyang inang si dating Makati Mayor Elenita Binay ay nagpositibo sa test sa COVID-19.


Sa isang pahayag, sinabi ni Binay na ang kanyang ina ay positibo sa test habang ang kanyang ama na si dating Vice-President Jejomar Binay ay nagnegatibo naman.


ree

“Although my mom is experiencing mild symptoms, my family and I are asking for your continued prayers for her full recovery -- and as always, prayer is our first line of defense,” ani Sen. Binay.


“The exposure to the virus is real -- and there’s a high chance that someone out there is a silent carrier,” dagdag ng senadora. Hinimok naman ni Sen. Binay ang publiko na magpabakuna na kung mayroon din lang pagkakataon.


“Isang seryosong bagay po ang COVID, kung kaya ibayong pag-iingat. At kung may access kayo sa bakuna, huwag n’yo na pong sayangin ang pagkakataon. Magpabakuna, now na,” aniya. Hiniling din ng senadora sa pamahalaan na magsagawa ng “free cluster” RT-PCR testing sa mga komunidad at lugar na may matataas na kaso ng COVID-19.


 
 

ni Lolet Abania | August 25, 2021


ree

Ipinahayag ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ngayong Miyerkules na nagpositibo siya sa test sa COVID-19 subalit aniya, mabuti naman ang kanyang kondisyon.


“Ikinalulungkot kong ipabatid na ako ay nakumpirmang positibo sa COVID -19,” ayon sa Facebook post ni Malapitan. Tiniyak naman ni Malapitan sa mga residente ng Caloocan na ang city government ay patuloy sa kanilang mandato at responsibilidad para tugunan ang pangangailangan ng lungsod.


Ayon sa mayor, patuloy din niyang imo-monitor ang siyudad sa pamamagitan ng iba’t ibang sangay ng lokal na pamahalaan. Pinayuhan naman ni Malapitan ang mga naging close contact niya na sumailalim sa swab testing na aniya ay libre sa naturang lungsod at mag-self-quarantine.


Sinabi pa ni Malapitan na ang mga natukoy na indibidwal ay kailangan lamang makipag-ugnayan sa City Health Department o sa Barangay Health Center ng Caloocan. Maaari silang tumawag sa COVID-19 hotlines sa 09668274519 o 09478834430 ng lungsod.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page