top of page
Search

ni Lolet Abania | August 30, 2021


ree

Nagpositibo sa test sa COVID-19 ang Kapuso actress na si Kim Domingo.


Sa Instagram post ni Kim, makikita siyang lumuluha habang ikinukuwento nito ang mga nangyari.


“Nagpositibo ako sa COVID-19. First of all, hindi ko in-expect na tatamaan pa ako. Pinagtatawanan na nga ako sa sobrang pag-disinfect at pag-iingat na ginagawa ko [pati pagkain na pinabili sa labas],” caption ni Kim.


Aniya, kumpleto naman umano siya sa vitamins at fully vaccinated na rin kontra-COVID-19. Sinabi rin ni Kim na hindi siya umaalis ng bahay at puro work from home lamang siya. Subalit nang mabakunahan na, nagdesisyon siyang magtrabaho para sa upcoming series niya sa GMA-7.


“Naka-set na sana kami nu’ng August 29 para sa quarantine ng show at biglang sa hindi inaasahan, nangyari ito,” sabi ni Kim.


“Grabe ang iyak ko nu’ng nalaman ko na hindi na ako makakasama sa show. Napaka-wrong timing,” saad niya. Gayunman, naniniwala ang aktres na may plano sa kanya ang Diyos. Wala namang maisip si Kim na dahilan kung papaano siya o kanino nahawa ng virus.


“Saan ko nga ba nakuha? Hindi ko din alam, pero isa lang ang malinaw sa ‘kin. Kahit anong ingat mo, puwedeng-puwede ka tamaan ng COVID,” ani Kim. Hinimok naman niya ang publiko na magpabakuna na kontra-COVID-19.


“Makakatulong ang bakuna para mabawasan ang severity ng COVID. Buti na lang at fully vaccinated na ako at ang pamilya ko,” paliwanag ni Kim.


Sa ngayon, naka-home quarantine si Kim at hihintayin niyang magnegatibo na siya sa virus.


“Tatapusin ko po ang aking home quarantine hanggang sa ako ay mag-negative na sa virus. Salamat din sa mga nagpaabot ng kanilang message at pag-aalala. Love you all! Stay safe po sa lahat!” sabi pa ng aktres.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 28, 2021


ree

Nakapagtala ang United States ng unang kaso ng COVID-19 sa usa, ayon sa pamahalaan ng naturang bansa noong Biyernes.


Iniulat ng US Department of Agriculture (USDA) ang SARS-CoV-2 infection sa wild white-tailed deer sa Ohio.


Saad pa ni USDA Spokeswoman Lyndsay Cole, "We do not know how the deer were exposed to SARS-CoV-2.


"It’s possible they were exposed through people, the environment, other deer, or another animal species."


Nilinaw din ng USDA na asymptomatic o walang nakitang sintomas ng COVID-19 sa naturang usa.


Ayon sa USDA, kumuha ng serum samples mula sa naturang usa ang Ohio State University College of Veterinary Medicine na isinailalim sa pagsusuri at napag-alaman na positibo ito sa COVID-19 na kinumpirma naman ng National Veterinary Services Laboratories ng ahensiya.


Samantala, matatandaang una nang iniulat ng USDA ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga hayop katulad ng mga aso, pusa, tigre, leon, snow leopards, gorillas at minks.


 
 

ni Lolet Abania | August 27, 2021


ree

Inianunsiyo ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairperson Greco Belgica ngayong Biyernes na nagpositibo siya sa test sa COVID-19.


“Nakakalungkot na sa kabila ng ating pag-iingat ay tinamaan pa rin ako ng Covid-19. Tunay ngang hindi biro ang sakit na ito at talagang mapanganib,” ani Belgica.


“Humihingi ako ng dasal para sa aking paggaling at dasal para sa kaligtasan ng lahat,” dagdag niya.


Gayunman, tiniyak naman ni Belgica sa publiko na patuloy pa rin siya sa kanyang trabaho.


“Gayunpaman, positibo man tayo sa sakit ay positibo pa rin nating haharapin ang mga hamon ng aking sinumpaang tungkulin na labanan ang katiwalian sa gobyerno,” sabi pa ni Belgica.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page