top of page
Search

ni Lolet Abania | August 22, 2021


ree

Humihingi na ng tulong ang bahay-ampunan na Hospicio de San Jose sa Manila ng donasyong cash matapos na mai-report na may 80 kaso ng COVID-19 sa mga bata at kanilang personnel.


Sa isang phone interview sa presidente ng HDSJ ngayong Linggo na si Sister Maria Socorro Pilar Evidente, ang COVID-19 infections sa kanilang orphanage aniya ay “mabilis” na kumalat nitong Agosto. “’Di ma-trace. It’s quite rapid, ‘di tulad noong April to June, dahan-dahan ang pagtaas ng bilang ng cases. Ito, in a matter of weeks, 80 na,” sabi ni Sister Maria.


Ayon sa madre, sa 80 kaso, dalawa rito ay severe cases, kung saan dinala na sa ospital habang ang natitirang 78 ay nagpapagaling na. Bukod sa mga kaso ng COVID-19, sinabi ni Sister Maria na kinakailangan nilang magsagawa ng RT-PCR test sa mahigit 40 symptomatic na indibidwal, kabilang na ang mga senior citizens na nasa bahay-ampunan. Giit pa niya, ang orphanage ay matagal nang naka-lockdown simula pa noong Abril. “’Til we have the virus in the air, we will remain on lockdown,” sabi ng madre.


Apela ni Sister Maria mula sa publiko na mabigyan sila ng cash donations para sa pangunahing pangangailangan ng mga wards ng orphanage at personnel. “We prefer cash donations for marketing needs; we feed 450 residents or veggies and fruits for direct service,” aniya. Hiniling din nito sa mga donors na i-email ang kanilang deposit slips sa mspg.evidente@gmail.com upang makapag-isyu sila ng official receipt sa mga ito. Maaari ring tumawag sa Hospicio de San Jose sa 87342366 para sa iba pang detalye.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 08, 2021



ree

Sisimulan na ang 24/7 vaccination drive sa Manila ngayong Linggo kung saan isasagawa ang pagbabakuna ng first dose para sa mga kabilang sa A1, A2, A3, at A5 priority groups sa mga school sites.


Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno, bawal ang walk-in dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Metro Manila. Aniya pa, “Magsisimula po ang ating 24/7 na pagbabakuna sa tatlong school sites para sa mga kabilang sa A1, A2, A3, at A5 priority groups pagsapit ng ika-7 ng gabi. Ito'y para po sa first dose na pagbabakuna. Tig-2,000 doses po ang nakalaan sa bawat site.”


Kailangan din umanong ipakita ang naka-print na waiver form o QR code upang mabakunahan. Dapat ding magdala ng ID at mahigpit na ipinatutupad ang health protocols sa mga vaccination sites.


Paalala rin ni Mayor Isko, “Kung ano po ang nakalagay sa inyong stub ay doon lamang ang inyong lugar ng bakunahan. Ito'y para maiwasan ang siksikan sa ating mga vaccination site.


“Istrikto po nating susundin ang iskedyul na itinakda para sa inyo upang maiwasan ang siksikan ngunit maaari po kayong pumunta sa ibang oras kung naharap sa isang emergency situation.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 11, 2021


ree

Pumanaw na ang convicted “Drug queen” na si Yu Yuk Lai dahil sa COVID-19 complications, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor) ngayong Martes.


Isinugod si Yu sa East Avenue Medical Center noong May 4 at ngayong araw, alas-9:47 nang umaga ay pumanaw siya dahil sa heart attack, ayon kay BuCor Spokesman Gabriel Chaclag.


Samantala, noong 1998 inaresto si Yu kasama ng kanyang pamangkin na si William Sy matapos magbenta ng three kilograms ng shabu sa isinagawang buy-bust operation.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page