top of page
Search

ni Lolet Abania | March 29, 2021



ree

Muling tinamaan si Quezon City Mayor Joy Belmonte ng nakamamatay na sakit na COVID-19.


"Eight months after my first bout with COVID-19, I am very sad to report that I have once again tested positive for the virus," ayon sa post sa Facebook ni Mayor Belmonte.


Matatandaang unang nagpositibo sa COVID-19 si Belmonte noong July, 2020.


Gayunman, sinabi ng alkalde na nakakaramdam lamang siya ng mild symptoms at naka-quarantine na siya sa isang pasilidad sa nasabing lungsod.


"Needless to say, I will abide by all the recommended protocols and actions prescribed by the DOH, IATF, and our own City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU). Our CESU is likewise hard at work doing full contact-tracing procedures on individuals that I may have had close contact with," sabi pa ni Belmonte.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 29, 2021



ree

Isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Tuguegarao City simula sa March 30 hanggang April 8 dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19, ayon sa information office ng naturang lungsod ngayong Lunes.


Sa Facebook post, saad ng Tuguegarao City Information Office, “Tuguegarao City, muling isasailalim sa ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE o ECQ sa loob ng sampung araw simula 12:01 AM of March 30 hanggang 12:00 midnight of April 8, 2021.


“Ang pagsasailalim sa mas mataas na quarantine status ay base sa rekomendasyon ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao na inaprubahan ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF). Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.”


Samantala, ngayong araw ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,016 karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa at sa kabuuang bilang ay umabot na sa 731,894 cases.


 
 
  • Ronalyn Seminiano Reonico
  • Oct 24, 2020

Nagpositibo sa COVID-19 ang ilang miyembro ng pamilya ng aktres na si Alex Gonzaga at aniya ay maging ang kanyang fiancé na si Mikee Morada ay na-infect din ng Coronavirus.

Sa bagong YouTube vlog ni Alex na may titulong “My Covid Journey,” aniya, ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi pa siya lumalabas sa bago niyang show sa TV5.

Sey ng aktres, “This week, alam n’yo maraming nagtatanong sa akin kung bakit hindi pa ako lumalabas sa ‘Lunch Out Loud (LOL).’ Hindi ako nagpapakita sa show for two weeks, it’s because nagka-COVID po ako and thank God ako ay naka-survive. Actually, the whole family nagkaroon po ng outbreak dito sa aming bahay.”

Aniya, may isa silang kasamahan sa bahay na nagyayang kumain sa labas, dahilan ng pagkakasakit nila.

Saad ni Alex, “May kasamahan kami rito, itago na lang natin sa pangalang (sensored) na nag-craving.

“Nakuha namin siya out of pagkain sa labas which is naiintindihan ko naman.

Nagyaya siya nawala lang siya ng ilang hours, pagbalik niya, siguro ru’n niya nakuha ‘yung COVID.”

Ang una raw na nahawa sa kanila ay si Mommy Pinty at asymptomatic ito.

Aniya, “Ang mga naapektuhan po sa family namin, kaming tatlo nina Mommy at Daddy, ofcourse si Mikee and si Sofie. Si Sofie, nahawa dahil sa akin.”

Marami raw siyang plano na na-delay dahil sa pagkakaroon ng COVID-19 kaya ganu’n na lamang ang pagsama ng loob niya.

Aniya, “Tina-try ko ngayong kausapin si Lord… kasi sobrang nasira ‘yung plans ko ngayong October. Gusto kong ikasal ngayon kasama ‘yung family, konting friends. Dahil sa walang kakuwenta-kuwentang bagay, nagkaroon kami ng COVID.”

Ang mga symptoms ni Alex, aniya ay nakaramdam siya ng panghihina, slight fever, sore throat, nawalan din siya ng ganang kumain pati ng panlasa. Medyo okay naman daw ang kanyang Mommy Pinty at Daddy Bonoy. Siya raw ang pinakanagkaroon ng matinding symptoms at si Mikee.

Sey ng aktres, “My sister (Toni), eventhough nagsama kami, lahat sila negative sa PCR and also ‘yung mga nakasama ko last week, nagpa-test naman sila, they are all negative.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page