top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 4, 2021



Sa kabila ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19, para kay Pangulong Rodrigo Duterte ay “hero” ng Pilipinas si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kaugnay ng pakikipaglaban ng bansa sa pandemya.


Sa taped public briefing, saad ni P-Duterte, “Compared with other countries, which is not the time to make comparisons, we’re doing good in the fight against COVID. And Secretary Duque is the hero there.”


Samantala, matatandaang marami ang kritiko at bumabatikos laban kay Duque hindi lamang dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, kundi maging sa mga alegasyong anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).


Pahayag naman ni Senator Panfilo Lacson sa kanyang tweet, “He said that the Philippines is doing good in the fight against COVID-19 and called his health secretary a ‘hero.’ What he really meant was ‘hilo.’”


 
 

ni Lolet Abania | May 4, 2021




Inaasahan nang makakamit ng pamahalaan ang target na herd immunity sa National Capital Region (NCR) at kalapit na lalawigan sa Nobyembre, ayon sa vaccine czar na si Secretary Carlito Galvez, Jr..


“We can have herd immunity in NCR and six provinces around NCR by November. We’re looking at 180 days,” ani Galvez sa Palace press briefing ngayong Martes, kung saan katuwang dito ang mga supply chain experts ng gobyerno para sa mass vaccination program.


Inisyu ni Galvez ang statement isang araw matapos nitong ilabas ang listahan ng mga lugar na prayoridad na makatanggap ng doses ng COVID-19 vaccines dahil sa kaunting supply nito.


Kabilang sa mga lugar na dapat i-prioritize sa pagbabakuna kontra-COVID-19 ang NCR, Calabarzon at Central Luzon.


“If we can achieve herd immunity by vaccinating up to 70 percent of the residents in these areas, there is a big chance that our economy will recover and we can prevent a surge in cases,” sabi naman ni Galvez sa briefing kay Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.


Ayon kay Galvez, kinakailangan ng gobyernong magkaroon ng 15 milyong doses ng COVID-19 vaccines kada buwan para mabakunahan ang 70 porsiyento ng populasyon at makamit ang pinapangarap na herd immunity ng bansa bago magtapos ang taon.


Sinabi pa ni Galvez, kailangan ng 25,000 hanggang 50,000 vaccinators para makatulong sa pag-administer ng gamot kontra-COVID-19.


Aniya, dapat ding maglagay ng 5,000 vaccination sites para makapagbakuna ng COVID-19 vaccines sa 100 kababayan kada araw sa bawat site.


Sa ngayon, umabot na sa 3,745,120 mula sa kabuuang 4,040,600 (92.68%) vaccine doses ng COVID-19 sa maraming vaccination sites sa bansa ang naipamahagi.


Ayon sa datos ng gobyerno, mahigit sa 1.6 milyong Pinoy na ang naturukan ng COVID-19 vaccines, kung saan nagsimula ang immunization campaign noong Marso.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 3, 2021



Umakyat na sa 1,062,225 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,255 karagdagang kaso ngayong araw.


Ayon sa DOH, 15 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa takdang oras.


Samantala, 69,466 pa ang aktibong kaso sa bansa kung saan 94.7% ang mild, 1.8% ang asymptomatic, 1.1 ang kritikal at 1.4% ang mayroong severe condition.


Umakyat naman sa 975,234 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na matapos makapagtala ng 9,214 karagdagang bilang ng mga pasyenteng nakarekober sa COVID-19.


Nakapagtala rin ang DOH ng 94 karagdagang bilang ng mga pumanaw at sa kabuuan ay umabot na sa 17,525 ang death toll sa bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page